Chapter 56

1K 32 0
                                    

Magkakaroon kami ng practice match mamayang hapon kalaban ang U-19 team kung saan kasali sina Hero at Hoven kaya't napagdedisyunan naming sabay-sabay na kaming magpunta sa venue.

Pagkarating ko sa bahay nila ay agad kong nakita si Harvey. Pinilit kong ngitian siya ngunit parang hangin lang akong nadaanan ng mata niya. Ni hindi nga yata tumagal nang tatlong segundo ang pagtingin niya sa akin at dire-diretso nang umakyat sa kwarto niya. Aaminin kong nasaktan ako doon dahil mas lalo kong naramdamang balewala na lang ako sa kanya matapos ang lahat ng nangyari.

"Ivan!" Sigaw ni Hero nang makita niya ako. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at sinalubong ako ng yakap. "Grabe! Namiss kita." Bati nito sa akin.

"Wala pa namang isang buwan tayong hindi nagkikita. Ang OA masyado." Biro ko rito kahit ang totoo'y namiss ko rin siya.

"OA na kung OA. Basta namiss kita. Kumusta ka naman? Ni hindi ka nagpaparamdam sa chat." Sita nito sa akin. Bihira na lang kasi ako magbukas ng group chat namin dahil mas nalulungkot lang ako kapag nagbabasa ako doon.

"Masyadong busy para magreply." Pagsisinungaling ko.

"Luh? Sinong niloloko mo?" Hindi ko alam kung halata bang nagsinungaling ako kaya niya tinanong 'yon o ayaw niya lang talagang maniwala sa akin.

"Busy naman talaga ako sa training." Pagpupumilit ko pa sa sinabi kong rason.

"Pati date kay Harvey?" Hindi ako makapaniwalang alam niya ang tungkol doon. "Don't deny it kasi sinabihan niya ako sa nangyayari sa inyo." Pagpapaliwanag nito bago ko pa man itanong sa kanya.

"So, alam mo ring iniiwasan niya na ako ngayon?" Tanong ko.

"That, hindi pa. Well, that explains kung bakit parang bumalik na naman 'yung dating Harvey. Akala mo galit siya sa lahat kung makatingin. Ano bang nangyari? Hindi pa man kayo, LQ agad?" Gusto ko mang daldalin si Hero sa nararamdaman ko ay pinili ko na lang ibahin ang topic dahil ayaw ko na rin namang mas maramdaman pa ang ginawa niya sa akin.

"Si Hoven pala?" Kadalasa'y nauunahan ni Hoven na mag-ayos si Hero kaya naman nakakapagtakang wala pa siya ngayon.

"1 2 3 change topic? So may LQ nga kayo ni Habs?" Pagbabalik nito ng usapan.

"Luh? Ang kulit. Ayaw kong pag-usapan, okay?" Paliwanag ko rito.

"Sungit naman." Ngumuso pa ito para konsensyahin ako pero ayaw ko talagang pag-usapan ngayon ang tungkol sa amin ni Harvey unless si Harvey mismo ang kakausap sa akin.

"Para kang ewan. Hindi naman tumaas kilay ko kaya hindi kita sinusungitan." Depensa ko. "Nasaan na ba kasi si Hovs? Baka naman nauna na pala 'yon tapos naghihintay tayo sa wala." Pag-iiba kong muli ng usapan.

"Nasa kusina. Nagluluto kasi namimiss ka na raw niya." Kantiyaw nito sa akin.

"Sobrang miss mo ako, 'no? Asar ka nang asar kanina pa."

"Namiss naman talaga kita. Ikaw lang 'tong hindi nakamiss sa akin palibhasa nakikita mo pa rin mukha ko kay Habs." Kunwari'y nagtatampo ang boses na pagkasabi nito.

"Isa pang 'Habs' mo diyan, 'di na kita kakausapin hanggang mamaya." Banta ko rito ngunit hindi ko naman tototohanin dahil hindi ko kayang hindi kausapin si Hero.

"Korni naman. Tara na nga sa kusina. Baka tapos na magluto si Hovs."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now