Chapter 13

3.8K 129 0
                                    

Kami ang nanalo sa larong iyon. Matapos naming maglaro ay muli kaming tinawag ng assistant coach upang magpulong sa gitna.


"As of this moment, nakita na namin kung paano kayo maglaro. We have decided to filter you, starting from this point. We're so sorry sa mga hindi matatawag at hindi na makakatuloy sa susunod na gagawin. If you really want to be a part of our team, just come back next year." simula nito. Ibig sabihin pala ay may matatanggal na sa amin ngayon. Hindi ako kinabahan sa sinabing iyon dahil alam ko sa sarili kong maganda ang naging performance ko at ng aking team.


"So, lahat ng members ng dalawang nanalong team will push through to the next round." pagkasabi noon ay nag-apiran kaming magkakagrupo dahil pasok pa rin kami. "And I'm sorry to losing teams dahil ilan lang sa inyo ang makakapasok. But before that, may I request the winning teams to please go to the bench now." nagmadali kaming pumunta sa mga bench. Siguro ay ayaw na lang iparinig ng assistant coach sa amin kung paano nila sasabihing hindi natanggap ang ilan sa kanila at kinakabahan ako dahil kasama si Henz sa mga natalong teams.


"Sa tingin mo, automatic na tayong pasok sa team?" tanong ni Paulo sa akin dahil kami ang magkatabi ngayon. Hindi ko maitatangging ginulat niya ako kanina sa kung paano siya maglaro dahil talaga namang kaya pala niyang magbigay ng mga solid na quick hits kahit pa hindi siya ganoong katangkaran.


"Feeling ko hindi. Napakadami pa natin para mapasama sa team. Sa tingin ko, may dalawa pang filter ang gagawin sa atin bago malaman kung sino talaga ang makakasali sa team." sagot ko rito. Labingdalawa na lang kaming natitira ngunit kung isasama ang team A at team B ng nakaraang taon ay sobrang dami namin. Marahil ay kaunti lang ang matanggap sa amin ngayon.


"Confident ako na makakapasok ka sa team pati si River. Ang ganda ng connection niyo eh. Parang napakatagal niyo nang magkasama sa isang team." hindi ko alam kung anong isasagot doon pero aaminin ko, natuwa ako. Sobrang ganda ng mga sets na naibibigay ni River sa akin noong nakaadjust na kami dahil noong una'y nagkakapaan pa kami.. Sobrang sakto sa height ko at sa talon ko ang mga ibinibigay niya kaya't madali akong nakakapag-isip kung anong gagawin ko.


"Confident din ako na makakapasok ka. Ang galing mo kanina sa mga quick hits. Kailangan mo na lang ipractice 'yung blocks tapos okay ka na." pagbawi ko dito. Wala siyang nablock na bola kanina pero binawi naman niya sa spikes. Kaso nga lang, middle position ang kinuha niya kaya't dapat ay magaling rin siyang magblock.


Maya-maya lang ay lumapit nang muli sa amin ang assistant coach kasama ng mga kasali pa sa next round. Natuwa ako nang makitang kasama doon si Henz na napakalaki ng ngiti ngayon. Magaling din naman kasi siya. May dalawang beses na nablock niya ako at nakapuntos din siya sa spikes. 


"So, for the next round, makakalaban niyo na ang varsity team. Don't worry because we will be fair for all of you. Kapag nakita naming mas may potensiyal kayo kumpara sa kanila ay kayo ang makakasali sa team. And this time, we will filter you individually. Good luck to all." 

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now