Chapter 75

844 25 2
                                    

Nagising akong masakit ang braso. Ang huling naaalala ko na lang ay nag-uusap kami ni Harvey nang biglang may nagsalita...

"Ano? Gaganti ka?!" Rinig kong sigaw ni Harvey na mukhang malayo sa akin ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako dahil ang laki ng tiyansang may masamang mangyari sa amin ngayon.

"Hintayin mo, Ricaforte. Darating din tayo diyan." Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni Isaac iyon at naaalala kong siya ang huling taong narinig ko bago ako mawalan ng malay.

"Duwag ka, gago! Kung talagang matapang ka, pakawalan mo ako rito!" Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinasabi ni Harvey. Sa ginagawa niyang 'yan, mas magagalit si Isaac at mas lalo lang kaming mapapahamak.

"Pwedeng duwag nga ako pero hindi ako tanga, Ricaforte. Ang tagal kong inisip kung sinong Ricaforte ba ang tumira sa akin only to find out na wala pala sa tatlong volleyball players ang nagmatapang na kalabanin ako." Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon. Una, akala ko mabait si Isaac. Madaming taong humahanga sa kanya dahil siya raw ang pinakamagaling na volleyball player sa bansa. Pangalawa, kailan siya kinalaban ni Harvey? Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon.

"Hindi ko inasahang gaganti ka. You look so weak and fragile so akala ko tapos na tayo." Pagmamatapang pa lalo ni Harvey kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Anong ginagawa niya? "Pero sabagay, matapang ka lang naman kasi may mga kasama ka." Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay biglang may pumutok na baril at doon parang huminto ang mundo ko.

"Harvey!" Naiiyak kong sigaw. Napakabata pa namin. Ang dami pa namin sanang pwedeng gawin sa mga buhay namin pero ganito na lang yata magtatapos.

"Gising na pala 'yang best opposite spiker na 'yan." Baling ni Isaac sa akin at narinig kong yumapak ito papalapit sa akin.

"Get the fuck away from Ivan!" Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig kong maayos pang nakapagsalita si Harvey ngunit mas kumabog ang dibdib ko dahil nilapitan na ako ni Isaac. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin sa akin.

"Chill, Mr. Lover Boy. Hindi ko pa naman papatayin si Diaz." Nakakatakot ang pagkakasabi niya noon. Naramdaman kong sobrang lapit niya na sa akin nang dumampi ang isang malamig na bagay sa aking pisngi.

"Ano 'yan?" Kinakabahan kong tanong dito.

"Stay away from Ivan!" Muling sigaw ni Harvey ngunit patuloy lang sa paggalaw ang malamig na bagay sa mukha ko. Nang maramdaman ko ang tulis nito ay doon ko nakumpirmang kustilyo nga ang hawak niya.

"Si Ricaforte lang naman sana talaga ang habol ko, Diaz. Hindi ko naman inasahang I will be hitting two birds with one stone." Pababa nang pababa ang kutsilyo sa katawan ko at naramdaman ko na lang na nasa hita ko na ito.

"Kung ano mang plano mo, 'wag mong ituloy, please." Pagmamakaawa ko rito.

"I said get the fuck away from him!" Muling sigaw ni Harvey at bakas na ngayon ang kaba sa boses niya. Wala siyang magagawa dahil gaya ko, marahil ay nakagapos din ang mga kamay niya at nakapiring ang mga mata.

"Shut up!" Kung kanina'y malumanay, ngayon nama'y bakas na kay Isaac ang galit sa boses nito. "You ruined my career. Ngayon, hayaan mo akong unti-unting sirain din ang sa kaibigan mo."

Pagkasabi niya noon ay dahan-dahang bumaon sa hita ko ang kutsilyong hawak nito kaya't hindi ko mapigilang mapasigaw nang malakas.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon