Chapter 64

895 32 0
                                    

Hindi ko napigilan ang sarili kong tumakbo papalapit kay Hoven matapos tugtugin ang Lupang Hinirang. Siya ang hinirang na player of the game dahil naka-15 points siya kahit hindi siya pinasok noong set 1.

"Congrats! Ang galing mo!" Sigaw ko habang yakap siya.

"Gusto ko namang yakapin mo ako pero pawisin kasi ako ngayon. Nakakahiya." Mahinang sabi nito sa akin.

"Kami naman next game. Mapapawisan na rin ako so okay lang." Sagot ko rito. Dahil doon ay niyakap na rin ako nito pabalik at binuhat ako kaya napasigaw ako.

"Ipapaalala ko lang, hindi pa kayo magjowa. Kita rin ng buong mundo ginagawa niyo ngayon." Singit ni Hero sa eksena namin. Parang nagising naman ang diwa ni Hoven at binaba ako mula sa pagkakayakap niya.

"Sorry." Sabi nito sabay bitaw ng yakap sa akin.

Bigla namang tinabig ni Hero si Hoven at padambang niyakap ako. "First win, beybe!" Sabi nito sabay gulo ng buhok ko. "Hindi sa pinepressure kita pero dapat manalo rin kayo, ah."

Naghiwalay rin kami agad mula sa yakap na yon. Si Hoven naman ang sumingit ngayon sabay pitik sa noo ng kapatid.

"Kaya pala gusto mo maghiwalay kami, ah. Oportunista ka." Sita nito kay Hero. "Thailand kaya kalaban nila. 'Wag mo ipressure."

"Ano naman kung Thailand? Kayang-kaya 'yan ni Baby Ivan." Hindi ko alam kung inaasar ako ni Hero o pinapalakas ang loob ko.

"Wala akong bodyguards na kasama, okay? Anong baby baby ka diyan?" Depensa ko rito.

"Anong tawag mo sa amin ni Hoven?" Tanong ni Hero.

"Magkapatid." Balik kong pang-aasar dito at natawa naman si Hoven sa sinabi ko kaya't alam kong hindi korni ang biro kong iyon.

"Bumalik ka na sa team mo dahil kayo na ang kasunod na game. Magshashower muna kami ni Hoven pero manonood kami pagkatapos." Muli ay ginulo ni Hero ang buhok ko.

"Makikita ako sa tv mamaya tapos ginulo mo buhok ko!" Reklamo ko dito.

"Cute ka pa rin naman kahit magulo buhok mo." Pinisil naman nito ang pisngi ko ngayon.

"Masyado kang nanggigigil! Maligo ka na nga don!" Taboy ko sa kanya.

"Sige na. Good luck sa game, Baby Ivan." Muli ay niyakap ako nito bago tuluyang tumalikod. Naiwan naman si Hoven na nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin.

"Pwedeng payakap ulit bago ka magwarm up?" Nahihiyang tanong ni Hoven. Napangiti ako dahil sa pagkainosente ng tingin niya ngunit niyakap ko pa rin.

Aaminin kong nakatulong na magkasana kami sa room sa hotel. Mas gumaan ang loob ko sa kanya at nagkaroon ng oras na solo lang naming dalawa. Hindi ko rin alam ang nararamdaman ko ngayon pero ang sigurado ako, masaya akong kasama. siya.

"Sige na. Shower ka na. Baka matuyuan ka pa ng pawis." Utos ko rito. Pinisil niya rin ang pisngi ko bago tumalikod.

Nang wala na sila ay bumalik na ako sa mga ka-team ko upang magwarm up. Pagkabalik ko ay bumungad sa akin si Aldrin nang may makahulugang ngiti sa kanyang mukha.

"Ano na naman?" Tanong ko rito.

"Feel ko malapit nang maging kayo ni Hoven."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon