Chapter 28

2.5K 81 3
                                    

Sobrang higpit ng laban namin. Nanalo kami sa unang set matapos naming makuha ang rhythm namin as a team pero sobrang tagal noon dahil umabot pa kami sa 31-29 na score. Ngayong second set naman ay sobrang laki ng lamang namin sa kalaban bago tawagin ang pangalawang timeout kaya ang score sa ngayon ay 16-7. Alam kong hindi dapat kami makampante dahil kapag nagawan na ng paraan ng kabilang team ay siguradong makakabawi sila kaagad.


Nasa unahan ako ngayon kaya pagkatapos ng serve ay nag-abang na ako para magblock. Tinibayan ko ang block ko at mas dumikit pa sa middle blocker namin para mahirapan ang spiker ngunit iniwasan kami nito at pataas niyang hinampas ang bola para i-drop iyon.


Susungkitin ko na sana sa likod ang bola ngunit narinig ko namang may nagsalita ng "Mine" kaya umatras na ako para bumwelo sa atake. Sa akin ibinigay ang bolang iyon ngunit sobrang sarado ng net kaya wala akong malulusutan. Buong lakas ko na lang na hinampas ang bola dahil baka sakaling pumasok iyon ngunit na-block iyon ng kabilang team.


Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. The next thing I knew, nakahiga na ako sa sahig at sobrang namimilipit dahil sa sakit ng paa ko. Mabilis na nagtakbuhan ang mga ka-team ko para makalapit sa akin.


"Ivan! Kaya mo pa?" kahit nakatalukbong ang mukha ko'y alam kong si Hero ang nagsalitang iyon.


"H-hindi na." sobra ang iyak ko hindi lang dahil sa sobrang sakit ngunit dahil na rin sa posibilidad na baka hindi na ako makalaro sa buong taon na 'to dahil sa ACL.


Nagulat na lang ako nang may biglang bumuhat sa akin. Sinilip ko kung sino ang nagbuhat sa akin at nakitang si Hoven iyon.


"Ivan, kailangan mong magpatingin. Baka hindi lang simpleng sprain 'yan." halo-halong emosyon ang narinig ko sa boses niya ngunit ang pinakanangibabaw sa lahat ay ang pag-aalala.


"Sorry, Hoven. Salamat." 


-----


Isinugod ako sa hospital ng Redskull University. Hinihintay lang namin ang results ng exams na ginawa sa akin nang biglang tumawag si mommy.


"Hello, mommy?" bungad ko. Kinabahan ako dahil paniguradong galit sa akin si Mommy dahil sa nangyari ngayon at sigurado akong nakarating na sa kanya ang balita kung hindi man siya nanood.


"What the hell was that, Ivan? You promised na mag-iingat ka kaya pumayag akong maging part ka ng team na 'yan." wala akong ibang magawa kundi mapabuntong-hininga na lang. "How are you?" 


"I'm feeling better already. Hinihintay na lang po namin 'yong results ng exam." sagot ko rito.


"Jusko kang bata ka. I was worried sick. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." from being so angry, ngayon nama'y rinig kong sobrang concern niya sa akin.


"Mom, I'm okay now. Don't worry." 


"Update me once the results are in, okay?" 


"Okay, mom." 


Binaba niya na ang tawag pagkatapos noon. Sakto namang bumukas ang pinto at isa-isang nagsipasukan ang mga teammates ko. Instead of looking so sad dahil natalo kami sa pinakaunang laro namin, sobrang concerned ang mga mukha nila habang nakatingin sa akin.


"Ano raw nangyari sa'yo?" tanong ni Hero habang lumalapit sa akin.


"Wala pang results, e. Pero I'm feeling better already." sagot ko rito.


"How's your ankle?" tanong ni River habang pinagmamasdan ang namamaga kong paa.


"Still, it hurts, but unlike what it was a while ago, the pain lessened." pagpapaliwanag ko rito.


Madami pa silang tinanong tungkol sa akin ngunit lahat kami ay natahimik nang dahil sa isang flash news.


"Matapos manalo sa kanilang pinakaunang laban, isinugod sa hospital ang hinirang na player of the game na si Isaac Valdez. Natagpuan ang kanyang katawan sa isang abandonadong lote sa Maynila habang namimilipit sa sakit at hindi na makalakad dahil sa bugbog na natamo ng nasabing manlalaro. Pinaghihinalaang napagtripan lamang si Isaac ng nakatakas na suspek dahil wala naman daw kaalitan ang nasabing manlalaro. Maaari nang hindi makalaro si Isaac dahil sa nasabing insidente."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now