Chapter 77

807 27 0
                                    

Nagising ako sa isang ospital..... Totoo ang lahat. Akala ko'y nanaginip lang ako ngunit totoo palang nangyari 'yon.

Napansin ko kaagad si Aldrin na nakahawak sa kamay ko ngayon habang natutulog ito. Nang maramdaman nitong gumalaw ako ay nagising ito.

"Mabuti naman at gising ka na." Nag-aalalang sabi nito sa akin.

"Ivan!" Sigaw ni Rose at dahil doo'y nagising na rin sina Snow at Kylene.

"Anong nangyari?" Tanong ko dito.

"Lumabas kasi si Hoven para sunduin kayo kasi ang tagal niyo na sa labas tapos naabutan nyang wala na kayo doon. Nakita niya rin 'yung cellphone mo na nasa sahig kaya alam niya nang may nangyaring masama sa 'yo." Paliwanag nito. Kung pumasok lang sana kami kaagad ni Harvey, baka hindi pa nangyari 'to.

"Pinacheck agad 'yung CCTV sa resto tapos may nakitang lalaking kumausap sa inyo bago kayo tinakpan ng panyo sa ilong at ipasok sa van ng mga kasama niya." Dagdag na paliwanag ni Snow.

"Paano niyo kami nahanap?" Tanong ko. Hindi naman siguro nanghingi ng ransom si Isaac dahil gusto niya talagang gumanti kay Harvey kaya malabong nalaman nila ang lokasyon namin.

"Nagkasama na kami ni Isaac sa commercial league tapos naalala kong may covered court sila. Sinamahan ako nila Hero, Hoven at Henz tapos inisa-isa naman nila tito 'yung mga CCTVs na nadaanan ng van niyo. Nauna sila Hero sa loob ng court tapos naghintay ako sa labas para kila tito pero sunod-sunod na putok ng baril narinig ko." Paliwanag ni Aldrin sa nangyari. Ibig sabihin ay sina Hero pala ang tinutukoy na nakapasok.

"Asan sila Hero?" Nag-aalalang tanong ko rito. Kung sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya, maaaring hindi lang ako ang nabaril noon.

"Kritikal ang lagay nila ngayon. Natamaan din sila ng bala at wala ring malay kagaya mo pero nandoon naman ibang mga kaibigan niyo para bantayan sila." Dagdag pa ni Aldrin.

"Si Isaac?" Tanong ko pa.

"Pagkapasok namin, nakahiga na siya sa sahig. Napuruhan pa yata nila Hero bago sila nabaril ng mga tauhan ni Isaac." Dagdag na paliwanag nito.

"He's already in jail. Sana ma-rot siya doon because he is so bad." Naiinis na dagdag ni Rose. "Look at you! You are so kawawa. This is the second time na na-ospital ka and it was his kasalanan again!"

"True! He's making you kawawa. Buti nga sa kanya. He's so swerte pa nga that your dad and ninong Heaven didn't kill him." Pagsang-ayon ni Kylene kay Rose. Pero totoo naman. My dad and his friends were gangsters back then. Kwento nila, they are always in trouble bago bumalik sa buhay nila si Ninong Hans.

"Nasaan si mommy?" Pag-iiba ko sa usapan namin. Buntis siya ngayon kaya hindi pwedeng mag-alala siya nang sobra at baka makaapekto sa magiging kapatid ko.

"She fainted. Sinugod din namin siya sa ospital even before we were informed that nabaril daw kayo and that's when we found na she's buntis pala." Sagot ni Rose.

"Ano? Okay naman siya? Okay naman si baby?" Nag-aalala kong tanong.

"Wag ka nang mag-alala, Ivan. Okay naman daw sabi ni doc. Pinapagpahinga na siya ngayon and kasama naman niya daddy mo." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabing iyon ni Snow.

"Kailangan mo ring magpahinga pa, Ivan. Ang daming dugong nawala sa 'yo. Sinalinan ka na kanina kaya medyo maayos na pakiramdam mo pero kailangan mo pa ring magpahinga." Bilin ni Aldrin. Kaya pala hindi na ako nanghihina ngayon. Napansin kong may mga bulak sila ngayon sa braso kaya alam kong sila ang nagdonate ng dugo sa akin.

"Salamat, guys." Pinilit kong ngumiti kahit nahihirapan ako dahil sa kirot ng sugat ko at sa tama ng bala sa akin.

"Magpahinga ka na, Ivan. Nandito lang kami para sa 'yo."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon