Chapter 24

2.7K 97 3
                                    

Kanina pa ako napapatingin kay Harvey matapos sabihin ni Ninong Hans na siya ang kasama ko nang madapa ako noong bata pa kami. Hindi ko maintindihan kung paano nangyaring ganoon dahil alam kong si Hero 'yon. Bata pa lang kami ay sobrang lapit na namin ni Hero pero bakit parang tama si Ninong Hans? Paano nga kung si Harvey pala talaga 'yon?


"Okay ka lang?" tanong ni Hoven sabay abot ng hotdog sandwich sa akin. 


Marami-raming rides na rin ang nasakyan namin kaya't napagpasiyahan naming kumain na at magpahinga bago kami umuwi.


"Oo naman." sagot ko rito. "Salamat." dagdag ko pa at saka inangat ang sandwich upang makita niyang iyon ang tinutukoy ko.


"Kanina ka pa kasi tulala. Well, I just thought na malalim 'yong iniisip mo." nginitian ko siya upang ipakitang ayos lang ako.


"I'm fine. Napagod lang yata ako." I lied. Of course, I wouldn't tell him what has been running to my mind right now. Baka maging issue lang. "Hindi ko nga alam kung matino pa boses ko, e. Feeling ko, paos na ako ngayon." I added to make it more believable. Besides, ganoon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit ng lalamunan ko kakasigaw kanina lalo na noong nasa taas kami.


"Hindi naman, a?" he answered looking real serious habang tinitignan ako. "Boses anghel pa rin naman naririnig ko." seryoso ko siyang tinignan dahil sa sinabi niyang 'yon. Wala namang bakas ng pambibiro kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko. Should I feel weird kasi napakaromantic ng sinabi niya? Or should I feel happy kasi boses anghel daw ako?


I chose the latter.


"Sus. Anghel na binagsak sa lupa kaya nabasag boses?" pabiro kong tanong dito sabay tawa.


"Boses anghel na napakasarap pakinggan kahit kada oras pa." seryosong sagot nito at nagkatitigan kaming dalawa. 


"Hoven, stop. Ang weird ng feeling." I honestly told him. I felt uncomfortable sa ginagawa niya.


"Why?" he asked as if wala lang sa kanya ang ginagawa niya.


"Anong 'why'? It's awkward." diretsong sabi ko sa kanya. "Hindi ako sanay na ganyan ka." dagdag ko pa dito.


"Sanayin mo na sarili mo. Wala naman akong balak itigil 'to." parang umurong ang dila ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya dahil nagulat talaga ako. Hindi ako makapaniwalang sinasabi niya lahat ng mga 'to ngayon. "Maybe, you're wondering kung bakit. Hindi ko rin naman alam, Ivan. It just happened. The next thing I knew, may nararamdaman na ako para sa 'yo." seryoso niyang sinabi iyon kaya hindi ko na itatanong kung totoo ba dahil alam ko naman ang sagot.


Pero hindi ako makapaniwala. Bakit ako? Paano? Hindi naman kami close. Besides, hindi naman siya bi....


"Bisexual ka?" gulat kong tanong sa kanya. Para siyang straight sa kilos niya kaya hindi mahahalata kung bisexual nga talaga siya.


"If that's how you call it. For me, it's just a label. Basta ang alam ko, gusto kita."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon