Chapter 17

3.6K 96 0
                                    

Simula na ng summer training namin. Masaya ako kasi pagkatapos naming malaman na kinakapatid pala namin si River ay lagi na itong sumasama sa amin kapag may bonding kami at sa maiksing panahon ay mas lalo pa namin siyang nakilala. Maliban pa doon, nakilala rin namin ang ilan pa sa aming mga kinakapatid na sina Kyle, Francis, Dave, Lawrence at Kylene. Magkakambal sina Kyle at Kylene ngunit hindi gaya nila Hero, hindi sila magkasundo at laging nagtatalo.


"So, here's what happened. There was this guy na nanliligaw sa akin and then that monster Kyle told him to stop kasi if not, pipilayan daw niya 'yung guy. Gosh!" inis na kwento ni Kylene sa amin habang kumakain ng chips. Nasa dorm nila ako ngayon dahil mamaya pa namang hapon ang training namin. Maaga naman akong mamamatay kapag nasa dorm lang namin ako dahil wala pa sina Hero sa dorm at lagi namang nakakulong 'yung iba sa kwarto.


"That. was. so. brutal. Alam mo, wala sa mukha ni Kyle na rude siya ah." Kung meron mang magkakasundo talaga sa amin, wala ng iba 'yun kundi sina Kylene at Rose dahil parehas silang conyo. But she was right. Wala sa hitsura ni Kyle na maging masama dahil napakaangelic ng mukha nito and I'm pretty sure na marami na ring pinaiyak na babae.


"Looks can be deceiving, Rose. And I know what you're thinking right now and I'm telling you, 'wag na." napangiti ako dahil sa sinabi ni Snow. We know Rose too well. Parehas siguro kami ng naiisip na baka si Kyle na ang next target ni Rose dahil sa ngiti nito nang sabihin iyon.


"Why? There's nothing wrong naman siguro." parang wala lang ang sinabi namin dito at sumubo na ito ng chips pagkasabi noon. 


"What? Do you hear yourself?" halos alugin na ni Snow ang ulo ni Rose sa gigil ngunit pinigilan nito ang sarili niya. "Well, for you it is normal. For you, there's nothing wrong with it kasi doon mo sinanay ang sarili mo eh. But Rose! In the eye of majority, maling-mali na ang ginagawa mo. Mauubos na ang numbers sa kalendaryo sa dami ng lalaking naging jowa mo." natahimik ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Snow. Maging siya ay natahimik dahil siguro alam niyang nasobrahan ang sinabi niya. Napangiti nang bahagya si Rose at tumingin kay Snow.


"Ganyan pala ang tingin mo sa akin." walang pasabi ay tumayo na ito at dumiretso sa kwarto niya. Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa nangyari at lahat kami'y hindi maipinta ang mukha.


Hindi ko naman masisisi si Snow. May punto naman kasi ang sinabi niya and I don't think it's wrong kasi wala namang mali sa sinabi niya kanina. 


"Just give her time. 'Wag ka na munang lumapit sa kanya kasi baka mas magalit pa. Let her breathe for a while tapos siya na rin ang lalapit sa 'yo." payo ni Kylene kay Snow at sa tingin ko, iyon ang pinakatamang gawin sa ngayon.


"Magligpit na tayo. Malapit na kaming magtraining. If you want, manood kayo sa amin kaso matagal 'yun." yaya ko sa kanila habang sinisimulan nang magligpit.


"I will go with you. Ang heavy ng vibes sa dorm na 'to ngayon." pabirong sabi ni Kylene habang umiiling na nakangiti.


"Ako din. Alangan namang maiwan kami ni Rose dito." 

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora