Chapter 63

930 32 4
                                    

"Ang kulit mo, Hero. Sabing 'wag na nga kasi. Sa tv na lang tayo manood." Parang mga batang nag-aagawan sa tablet ang magkapatid.

"Napakatorpe mo, Hoven. Bakit di mo kasi amining nagdownload ka ng movies na gusto ni Ivan?" Napatigil si Hoven dahil doon at napatingin sa akin. Agad din naman nitong iniwas ang tingin at napansin ko ang pagpula ng pisngi nito.

"Talaga?" Tanong ko rito. Aaminin kong parang natunaw ang puso ko nang sabihin iyon ni Hero dahil mas lalo kong nararamdamang pinapahalagahan ako ni Hoven.

"Kay River pa 'yan nagtanong kasi alam nyang nagsuggest ka ng mga Filipino movies na mapapag-aralan ni River sa Tagalog niya." Si Hero na ang sumagot para kay Hoven.

"Stop! It's embarrassing." Pagpigil ni Hoven sa kapatid na magkwento dahil sa hiyang nararamdaman.

Kapag kaming dalawa, panigurado'y sinabi ni Hoven sa akin 'yon. Ayaw niya lang sigurong binubuking siya ng mga kapatid niya sa ginawa niya.

"Anong nakakahiya doon?" Tanong ko rito. "Ang cute kaya."

"See? Plus points pa 'yan kay Ivan. You owe me one." Hirit ni Hero dito.

"Can you please shut up? Doon ka na lang sa kwarto. Nakakahiya kang kasama." Pagtaboy ni Hoven na nahihiya pa rin sa ginawa ni Hero.

"I made these popcorn so hindi ako aalis." Napailing na lang ako sa pagtatalo ng magkapatid.

"Anong movies ba 'yan? May Crazy Beautiful You?" Tanong ko nang mapatahimik silang dalawa. Para hindi na sila magtalo, pumagitna na ako sa kanila.

"Yup. Meron." Sagot ni Hoven.

"Yup. Meron." Gaya ni Hero sa sinabi ni Hoven. "Pabebe naman."

"Napakabitter mo. Maghanap ka na lang ng jojowain para di ka inggitero dyan." Bawi nito sa kapatid.

"Feeling jowa. Jowa mo na?" Hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar si Hero.

"Manonood ba tayo o mag-aasaran na lang kayo?" Tanong ko at tinignan sila magkabilaan.

"Ang seryoso naman ng bestfriend ko." Niyakap ako ni Hero nang sabihin niya 'yon at hinampas naman ni Hoven ang kamay nito para bumitiw sa yakap. "Seloso naman ni lover boy."

"Tigil na kasi. Nood na lang tayo." Inunahan ko nang magsalita si Hoven para hindi na siya sumagot at matapos na ang diskusyon na ito.

Sinimulan na namin ang panonood. Nasa hita ko ang popcorn para nasa gitna naming tatlo.

"Dati, sinasandal mo ulo mo sa balikat ko kapag nanonood tayo ng movies." Mahinang sabi ni Hero. Aaminin kong namimiss ko na ang ganon kaya sumandal ako sa balikat niya.

Napansin ko ang pagtingin ni Hoven sa ginawa namin ni Hero. Kahit dati pa naman, ganito na kami kaya walang malisya sa ginagawa namin. Nang mapansin kong paulit-ulit nang tumitingin si Hoven ay hinawakan ko na lang ang kamay nito upang magkadikit din kami. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi naman sya pumalag.

Dahil hindi na komportable sa akin ang kumain ng popcorn, hindi na ako sumubok na kumuha pa. Maya-maya lang ay nagulat na lang ako dahil sinubuan na ako ni Hoven ng popcorn.

"Lover boy." Muling asar ni Hero dito.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon