Chapter 52

1.3K 38 4
                                    

Trophies are unseen but you are already my MVP
in all skills, you ruled on me

Hindi ko alam kung nakita niya bang nabasa ko na ang bago niyang tweet pero sobrang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya sa akin. I know I don't deserve this but he still gives me all the things I'm not asking for.

"Thank you, Harvey." I said out of nowhere.

"Ano ka ba? You deserve all the best things in this world, Ivan." Lalong natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Natutuwa lang ba ako sa ginagawa niya o may nararamdaman na rin ako sa kanya? Hindi ko alam.

"Daan muna tayo sa mall bago umuwi, okay?" Tanong nito na tinanguan ko lang bilang sagot. Nakapagshower naman na ako so ayos lang din sa akin kahit gumala muna kami.

"Ivan! Pwedeng pa-picture?" Nagulat ako nang may babaeng sumigaw ng pangalan ko. This is actually the first time na may nag-attempt na magpapicture sa akin kaya natuwa ako. "Hala nandito ka rin pala, Hoven? Henz? Hero?" Natawa ako dahil napagkamalan nya si Harvey. "Sorry. Magkakamukha kasi kayo. Bakit hindi ka naglaro?"

"Actually, I'm none of the above." Maiksing sagot ni Harvey habang nakangiti. Ibang-iba sa Harvey na kilala ko noon na maiinis kaagad kapag napagkamalang isa sa mga kapatid niya.

"Ay sorry." Yumuko ito sa harap ni Harvey ngunit tinawanan niya lang ito. "Ivan, congrats sa pagiging player of the game kanina. Balita ko part ka na ng national team, ah?"

"Ang bilis talaga ng balita." Napailing na lang ako habang nakangisi.

"Buti na lang makakapagpapicture na ako sa 'yo bago ka pa sumikat. Ipapangalandakan ko sa mga taong idol kita." Hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kanya dahil napakadaldal niya. Pero aaminin ko, sobrang nakakatuwa na may umiidolo na sa akin. "Papicture, ah?"

"Oo naman. Thank you sa pag-idolo sa akin." Sagot ko rito.

Hinarap niya na sa amin ang camera niya sabay kuha ng larawan namin.

"You want me to take pictures of you?" Alok ni Harvey sa babae.

"Hala thank you po." Sagot nito sabay abot kay Harvey ng phone niya. Kinunan kami ng litrato ni Harvey at binalik kaagad ang cellphone ng babae. "Salamat po talaga. Good luck po sa national team."

Nagmamadali itong tumakbo pagkasabi noon kaya hindi na namin nagawang magpaalam pa sa kanya.

"I should be used to this." Iiling-iling na sabi ni Harvey habang nakangiti.

"Saan? Sa pagpipicture?" Nagtataka kong tanong dito.

"Sa pagiging jowa ng sikat na volleyball star." Hinampas ko ito dahil sa sinabi niya.

"Volleyball star? Nandoon ka na kaagad?" Tanong ko rito.

"Sigurado naman na 'yon." Kumpiyansadong sagot nito. "Yiee, hindi siya umalma sa pagiging jowa ko." Asar nito sa akin na may halong kiliti sa tagiliran.

"Hindi ako o-oo pero hindi rin ako hihindi. Wala namang sigurado, Harvey. Ang sigurado ko lang ngayon is that I am giving you a chance to prove yourself worthy of my yes. And I hope you'd wait for that time when I can already say yes."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now