Chapter 76

778 24 0
                                    

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko habang nararamdaman kong unti-unting nanghihina ang mga hita ko. Ramdam ko ang kirot dahil sa lalim ng hiwa ng saksak na ginawa sa akin.

"Sabi nila, healthy daw ang vitamin c." Muling bumalik sa pagiging malumanay ang tono ni Isaac na halatang pinaglalaruan na kami ngayon. "Pahingi ngang kalamansi." Nang sabihin niya iyon ay alam ko na kaagad ang balak niyang gawin.

"Isaac, please. Bakit mo ba ginagawa 'to?" I feel so hopeless. Hindi ko maipaglaban ang sarili ko at wala rin akong mahingan ng tulong. Hindi ko pa alam kung nasaan kami ngayon kaya't sobrang bigat sa loob ng nangyayari.

"Putang ina, Isaac! Ako ang gantihan mo!" Ramdam ko ang takot at galit sa sigaw ni Harvey. Pati siya, walang magawa sa nangyayari ngayon.

"Maghintay ka lang, Ricaforte. Aabot din tayo diyan." Narinig ko ang pagtama ng kutsilyo sa sahig. Marahil ay nahiwa na ni Isaac ang kalamansing hiningi niya sa mga kasama niya.

"Isaac, please. Ano bang kailangan mo?" Pagmamakaawa ko rito. Wala naman akong kasalanan sa kanya kaya't alam kong hindi ko deserve ang ginagawa niya sa akin.

"I need you..." Pinagapang niya ang kalamansi mula sa pisngi ko at naramdaman ko ang lagkit nito kaya't alam kong itutuloy niya ang plano niya. "to suffer." Pagkasabi niyang iyon ay muli akong napasigaw dahil sa sakit nang pigain niya ang kalamansi kung nasaan ang sugat ko.

"Ivan!" Sigaw ni Harvey. I can feel his urge to fight for me pero hindi niya magawa.

"Umiiyak ka na rin? Ni wala pa nga ako sa kalahati ng plano ko." Narinig ko siyang natawa dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ko maintindihan. Bakit niya ginagawa 'to?

"Pakawalan mo si Ivan. Hindi siya damay dito." Nasaktan ako para kay Harvey dahil bakas sa boses niyang sumusuko na siya para lang sa akin. "Please, Isaac."

"Kung sa tingin mong naaawa ako sa paghikbi mo diyan, nagkakamali ka." Naramdaman kong tumayo muli si Isaac at unti-unting humakbang papalayo sa akin. "Noong araw na binubugbog mo ako hanggang sa mapilayan ako nang tuluyan, nakinig ka ba habang nagmamakaawa akong tigilan mo?" Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Isaac. Ibig sabihin, si Harvey pala ang dahilan kung bakit siya isinugod sa ospital noon?

"What do I have to do para hindi mo idamay si Ivan dito?" Nararamdaman kong gusto akong iiwas ni Harvey sa gulo.

"Kill yourself. Baka sakaling pakawalan ko pa si Diaz kapag namatay ka." Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi ko mahanap ang lakas ko ngayon. Sobrang nakakapanghina. Pakiramdam ko'y sobrang putla ko na ngayon dahil sa dami ng dugong nawala sa akin.

"I'll do it. Pakawalan mo siya and I'll do it." He is so hopeless. Alam niyang wala siyang magagawa ngayon kaya sumusuko na siya pero inuuna niya pa rin ang kapakanan ko.

"Nope." Sagot ni Isaac. "I want drama. Mamili ka na lang kung Romeo and Juliet o Jack and Rose. Either may mamamatay na isa o dalawa kayong mamamatay."

"Boss! May nakapasok!" Sigaw ng tauhan ni Isaac at ang kasunod kong narinig ay ang putok ng baril bago ako nawalan ng malay.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon