Chapter 44

1.3K 46 0
                                    

Nagising ako nang tawagan ako ni Harvey ngunit pagkasagot ko'y binaba niya na rin kaagad ang tawag. Alas kwatro na pala't nangako ako sa kanyang lalabas kami bago kami magtraining ulit.

Sobra akong napagod kanina dahil pinag one man ako ni coach sa receive upang makita kung kaya ko na talagang dumepensa gaya ng dati at mabuti na lang ay nagawa ko na nang maayos. Kailangan ko na lang matutunan kung paanong hindi matakot kapag tatalon dahil sa nangyari noon.

Babangon na sana ako ng kama ngunit nakatanggap ako ng text galing kay Harvey.

'Sorry for disturbing you, Ivan. Go back to sleep'

Nawala na ang antok ko kaya't hindi na ako makakatulog ulit.

'It's fine, Harvey. Nasaan ka?'

Bumangon na ako sa kama at nag-ayos ng sarili habang naghihintay ng sagot niya ngunit natapos na lang ako't lahat ay wala pa rin.

Lumabas na ako ng kwarto at sinubukang hanapin si Harvey sa dorm ngunit wala siya ngayon dito. Saan kaya siya nagpunta?

"Tulog pa sila Hero. Hindi pa sila lumalabas ng kwarto." Sabi ni Kyle nang mapansing may hinahanap ako.

"Sige, salamat." Sagot ko rito upang hindi niya malamang si Harvey talaga ang hinahanap ko.

Naisip kong baka tumambay si Harvey sa rooftop kaya nama't umakyat ako doon at nakumpirma kong tama nga ang hinala ko nang maabutan ko siyang humihithit ng sigarilyo pagkaakyat ko.

"Pwede namang sa terrace ka na lang magyosi, dumayo ka pa talaga dito?" Bungad ko dito. Imbis na pansinin ang usok ng yosi niya ay nagdirediretso ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo rito? Baka magkasakit ka dahil sa usok nito." Iniwas nito ang pagbuga sa akin ngunit naaamoy ko pa rin ang tapang ng usok.

"Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo." Pagbalik ko sa kanya ng sinabi niya. Doon ko napansing marami rami na ang yosing nakakalat sa sahig kaya't baka marami na ang kanyang naubos. "Are we okay, Harvey?" Tanong ko.

"Bakit mo natanong?" Imbis na sumagot ay binalikan ako nito ng isa pang tanong.

"Kanina, halos hindi ka tumitingin sa akin. Ngayon naman, you cancelled our plan. May nagawa ba ako?" Hindi ko maiwasang isipin na baka nga may nagawa ako na hindi niya nagustuhan kaya't umiiwas siyang muli.

"I just feel like napipilitan ka lang na kausapin ako kasi naguiguilty ka." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Saan nanggaling 'yan, Harvey?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Your energy when you are talking to River a while ago? Ibang-iba kapag ako 'yung kausap mo." Muling mababakas ang kalungkutan sa boses niya ngayon. "Please, Ivan. Bumalik na lang tayo sa dati kung hindi mo talaga kaya. Ayaw ko namang maramdaman na pinagpipilitan ko lang ang sarili ko sa 'yo kasi ayaw mo talaga." Pumatak ang luha ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Harvey, hindi ganoon." My voice cracked pero wala akong pakialam. "Gusto kong maging okay tayo. Gusto kong maging okay ka. Siguro, iba ako sa 'yo kasi nga hindi ko pa alam kung paano ka ituring. Umamin kang gusto mo ako. Of course everything will be awkward. Ayaw ko namang sabihin mong pinapaasa kita kaya nililimitahan ko ang sarili ko."

"But I don't want you to limit yourself. Go! Kung aasa ako, aasa ako." Pagputol niya sa sinasabi ko. "Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" Tanong niya na lalong nakapagpatahimik sa akin.

Hindi dahil sa hindi ang sagot... Pero ayaw kong mamili sa kanila ni Hoven.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora