Chapter 58

914 31 1
                                    

Sa susunod na buwan na ang SeaGames kaya nama'y mas tumindi na ang pag-eensayo namin. Apat na beses sa isang linggo, umaga't gabi kami nag-eensayo.

"How was your preparation, anak?" Tanong ni Ninong Hans dahil nandito ako ngayon sa bahay nila.

"More on leg workouts po para iwas injury pero sinasamahan din po ng arms and shoulders." Sagot ko rito.

"That's good. Delikado nang ma-injure ka ulit dahil baka hindi ka na talaga paglaruin ng mommy mo." Nagtawanan kami matapos niyang sabihin iyon.

"Oo nga po, eh. Pero no worries, ninong. Lagi naman po akong nag-iingat sa training." Paliwanag ko.

"Basta always listen to your body. Kung tingin mong hindi na kaya, you can talk to your coaches regarding the matter." Dagdag pa niya. "Maiba ako. What happened to you and Harvey? I thought everything is going well between you two but Hero told me na hindi daw pala kayo okay." Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nangyayari dahil hindi ko na rin talaga naiintindihan. Sumasabay na lang ako sa agos pero pakiramdam ko, ako rin ang malulunod sa huli.

"Hindi na lang po niya ako kinausap, eh." Tipid kong paliwanag nang hindi sinasabing may alam ako sa napag-usapan nila ni mommy. Para saan pa? Siya naman na 'tong sumuko. "Siguro, hindi lang po talaga ako worth pursuing for." Pinilit kong ngumiti kahit na hindi naman kangiti-ngiti ang sinabi ko.

"I doubt it. Harvey is so sure about you. Bata pa lang kayo, wala na siyang ibang gustong i-please kundi ikaw." Depensa nito para kay Harvey.

"But if he was so sure about me, bakit ang bilis naman po para sa kanyang sukuan ako?" I tried to sound strong pero alam kong bumigay ang boses ko doon. Pinipilit kong huwag pumatak ang luha ko dahil ayaw kong maabutan ni Harvey na umiiyak ako dahil lang sa kanya.

"We may not know his reasons pero sigurado akong may rason diyan, Ivan." I can see pain in his eyes habang pinapagtanggol si Harvey. Ang hirap naman kasi para sa magulang na makitang bumabalik sa dati ang anak dahil lang sa isang tao. And I know I don't deserve to be that reason. "Ang bigat sa loob kong masaktan ang isang anak ko dahil sa kasiyahan ng isa ko pang anak. Pero kung magiging masaya naman kayo ni Hoven, sino ako para tumutol, 'di ba?"

"Sorry po, ninong. I just don't want to hurt Hoven even more. May point naman siya, eh. He deserves the same chance na binigay ko kay Harvey noon." Paliwanag ko kung bakit binigyan ko ng chance si Hoven.

"Naiintindihan kita. Kung may taong dapat makaintindi sa 'yo, ako 'yon. I can see my younger self through you. Ayaw mong may masaktan ka sa choices na gagawin mo kaya kahit hindi mo gusto, papayag ka na lang." Pumatak ang luha ko dahil sa sinabi niya kaya naman hindi ko napigilang yakapin siya. Nakakatuwang isiping may nakakaintindi rin pala sa akin.

"Hindi ko po sinasadyang saktan ang anak niyo. Thank you po kasi naiintindihan niyo ako."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora