Chapter 73

826 27 0
                                    

"Ngayon ko lang narealize na lahat pala kayo may awards." Manghang-manghang sabi ni Snow habang nakatingin sa mga medalya namin ngayon.

"No doubt, you guys are the future of this country's volleyball program." Mukhang siguradong-sigurado si Lawrence nang sabihin niya iyon.

"And no wonder, nirerecruit ngayon si Ivan ng isang American collegiate team." Pinandilatan ko si Hero nang sabihin niya iyon.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Francis.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya. Wala pa akong pinagsasabihan noon maliban kay Aldrin dahil malaki ang tiyansang hindi ko naman tanggapin ang offer na iyon.

"Narinig ko kayo ni Aldrin na nag-uusap sa hotel bago kayo umalis." Paliwanag nito. "Hindi mo naman tinanggap 'yung offer, 'di ba?" Tanong nito. Kanina pa kami maingay dito sa resto dahil magkakasama kami sa table ngunit dahil doon, wala ni isang nagsalita sa kanila upang marinig ang isasagot ko.

"Hindi pa. Besides, ayaw ko namang iwan na lang sa ere 'yung Redskull." Sagot ko. Nakakatawa ang naging reaksyon nila dahil sabay sabay silang nakahinga nang maluwag dahil sa isinagot ko ngunit pinigilan ko ang tawa ko. "Pero naisip ko lang kasi na my grandparents are getting older tapos nandoon sila sa New York. Parang good opportunity na din kasi to do something that I love, study, then makakasama ko pa sila." Dagdag kong paliwanag sa kanila. "Also, hindi naman na din issue residency ko kasi I was born in New York." Habol ko pang paliwanag.

"But Ivan, malungkot doon." Pigil sa akin ni River. "At least, you have us here. You don't have any friends there." Pangugumbinsi pa nito.

"Hindi pa naman sigurado. Most probably naman, hindi ko naman tatanggapin 'yon since ayaw ko naman kayong iwan." Pagkaklaro ko sa kanila. "Para kayong sira. Ang drama niyo!" Natatawa kong hirit sa kanila.

"Siyempre, ayaw naming wala ka. Ayaw kong mawala ka." Kung nakakatunaw lang ang tingin, paniguradong lusaw na ako ngayon dahil sa tingin ni Hoven.

"Hindi ako mawawala, okay?" Pagsiguro ko sa kanya.

"Mukhang seryoso pinag-uusapan niyo, ah?" Tanong ni mommy na kakalapit lang sa amin ngayon.

"Ay! Hindi naman, mommy." Pagtanggi ko dahil hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang tungkol sa offer ng Daemen College sa akin.

"The food will be here anytime soon na. Nasaan si Harvey?" Tanong niya nang mapansing wala si Harvey sa table namin.

"Nasa labas lang po kanina." Sagot ko rito.

"Sige. Tawagin ko na lang." Nang akmang aalis na si mommy ay pinigilan ko ito.

"Ako na lang po." Paniguradong nagsisigarilyo na naman 'yon ngayon at masamang makaamoy si mommy ng usok galing doon kaya magandang ako na lang ang magsundo kay Harvey.

Nag-aalinlangan pa si mommy na tumingin sa akin ngunit hinayaan niya na lang akong sunduin si Harvey.

Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Harvey na naninigarilyo sa gilid.

"Kakain na raw anytime soon. Pumasok ka na lang pagkatapos mo diyan." Malakas na sabi ko upang marinig niya. Akmang papasok na ako sa loob nang bigla siyang magsalita.

"Ivan, can we talk?"

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon