Chapter 45

1.2K 40 2
                                    

Si Hero ang ginawang starting setter ni coach samantalang ako naman ang ginawang opposite dahil nakita niyang maayos ang naging practice namin kahapon ni River. Ang ipinagtataka ko lang ngayon ay bakit sobrang iniba ni coach ang starters namin. Sila Francis at James ang ginawang outside hitters samantalang sina Paulo at Rico naman ang ginawang starting middle blockers namin na ibang-iba sa nakasanayan naming starters.

Hindi naman sa nagdududa ako sa teammates ko dahil alam kong kaya talaga nilang lumaban pero kung East University na ang makakalaban namin, mas maganda sana kung gamitin namin ang nakasanayang lineup kaysa mageksperimento pa.

"Try natin double quick." Bulong ni Hero sa akin at tumango na lang ako bilang sagot dahil pumito na kaagad ang referee para magserve ang kalaban.

Nasalo iyon ni Francis at naihatid nang maayos kay Hero. Nagtinginan kami ni Paulo upang senyasan ang isa't isa na tumakbo na para sa quick at nang tumango na sya ay sabay kaming nag-approach para hampasin ang bola. Halatang nalito ang blockers dahil hindi nila napaghandaan na gagawin namin iyon kaya't nang hampasin ko ang bola ay isang blocker lang ang nakasabay sa akin kaya't madali kong napabagsak ang bola sa kabila.

Si James naman ang nagserve para sa amin. Ginawa nya ang jump serve na madalas nyang pinapakita sa practice. Tinarget nya ang dulo ng zone 1 ng kalaban at walang naghabol non kaya't nakuha namin ang aming ikalawang puntos.

Gumanti naman kaagad si Ron na sunod-sunod ang naging puntos kaya't nalamangan nila kami. Hindi nagdalawang-isip ang coach naming tumawag ng time-out dahil doon.

"Let's bring back our focus! Ivan, you will now switch your blocking position with Paulo." Tumango ako bilang sagot dito. "You have to make sure that your block is really stable so Ron could not score from a down-the-line hit, okay?" Baling nito kay Paulo na magbabantay na ngayon kay Kuya Ron na kanina pa ginagamit ang kamay ko upang makascore. "This setup will also apply to you, Rico. You will be in charge of Ron's down-the-line hits but you still can spike in the middle." Dagdag pa nito. "Hero, make sure that you communicate with your spikers well about your play."

Nang matapos ang huddle ay sinenyasan ni Hero si Paulo na sa kanya ibibigay ang bola.

Pagkapito ng referee ay agad nagserve ang kalaban namin na nasalo ko ngunit hindi naging sakto ang pasa ko ng bola kaya't alam kong mahihirapan si Hero magset ng quick kay Paulo.

"Akin!" Sabay naming sigaw ni Francis na nasa magkabilang dulo ng court. Ibinigay sa akin ni Hero ang bola kaya't ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang hampasin ito kahit na dalawang blockers ang nakaabang sa akin. Tumama iyon kay Kuya Ron ngunit hindi nya nakontrol ang pagblock kaya't lumabas ang bola.

Si Paulo na ang magseserve ng bola ngayon kaya't pumasok na si Rico sa court.

"Ivan, meron akong nakita sa audience kaninang nagvivideo na kamukha nila Hero. Sino kaya 'yon?" Nagtatakang tanong nito pagkalapit sa akin.

Nanonood pala si Harvey ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon pero mas lalo akong ginanahang maglaro dahil alam kong naniniwala siyang kaya kong tapatan si Kuya Ron.

"Rico, ako na magbablock kay Kuya Ron."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now