Chapter 33

1.4K 45 0
                                    

Sa unahan na ako ngayon kaya't kahit kakapasok ko pa lang ay inasahan ko nang papalitan na ako ni Charles ngunit nagtaka ako nang hindi siya pinatayo ni coach.

"Coach, sub!" sigaw ko upang ipaalala dahil baka nakalimutan niya lang. Nagulat ako nang sumenyas ito na hindi daw ako papalitan dahil ang ibig sabihin, kailangan kong maging middle blocker ngayon.

"Ivan, you practiced your blocking yesterday so you can block them for sure. Now, I want you to approach for a running attack the way Charles approaches for it, okay?" Tuloy-tuloy na sabi ni River.

"Don't give me the ball please. Maybe later when you're at the front line already where I can hit from the wings." Kabadong sagot ko rito.

"Just approach for a quick or a running hit. I got you, Ivan." Tinapik nito ang balikat ko at saktong pumito naman ang referee kaya't nagserve na si Henz.

Gaya ng tinuro ni Henz ay inabangan ko ang pagbato ng setter ng kalaban habang nakatutok sa gitna nila upang maharangan kung sakali mang magquick ito. Mabilis iyong ibinigay sa open hitter nila kaya't nagmamadali ko ring hinabol ang bola saka tumalon.

Gaya ng inaasahan, sa akin niya ito pinatama ngunit laking gulat ko nang mablock ko ito at hindi nasalo ng kalaban.

"Woah! Ivan! Sabi sa 'yong kakayanin mo, eh!" Natutuwang sigaw ni Henz habang tumatakbo papalapit sa akin. Napasigaw ako nang bigla akong buhatin nito dahil sa sobrang tuwa.

"Kalmahan mo, Henz. Baka mamali ng bagsak si Ivan." Sita ni Hero dito kaya't ibinaba na ako ni Henz.

"Sorry. Nadala lang ng emosyon." Muntik na akong matawa dahil sa sinagot ni Henz.

"Stop acting like a kid, Henz. Nasa court tayo." Dagdag ni Hoven kaya't nagtinginan kaming lahat sa kanya.

"Luh? Bakit nagagalit ka?" Tinignan ko si Henz upang patigilin na sana sa pagsagot dahil baka magkainitan silang magkapatid.

"Guys kalmahan natin, okay? Three points na lang panalo na tayo sa set na 'to." Gumitna na si Kuya Michael kaya't nagsibalikan na kami sa pwesto namin.

"These brothers." Bulong ni River na sa kasalukuyang nasa likod ko habang umiiling-iling. "I'll give the ball to you or to Hero to make sure, okay?"

From that moment, mas tanggap ko nang sa akin na lang ibigay kaysa isugal kay Hoven na mainit ang ulo ngayon. Pero bakit kaya mainit ang ulo niya sa kapatid niya? Kanina ko pa napapansing wala siya sa mood pagdating kay Henz.

Nang pumito ang referee ay nagserve na si Henz at hindi iyon nakatawid sa kabilang bahagi ng net.

"Tss." Muling bulong ni Hoven na narinig ko dahil magkalapit lang kami upang magpalit sana pagkatapos ng serve.

"Okay ka lang?" Hindi ko na napigilang itanong. Nginitian lang ako nito nang pilit ngunit ni isang salita ay wala nang lumabas mula sa bibig niya.

Pumito na ang referee kaya hinayaan ko na si Hoven. Nagserve na ang kalaban at si Hoven ang nagreceive non na napunta sa direksiyon ni Hero.

"Ivan, quick!" Sabay na sigaw ni River at ni Hero kaya bumwelo na ako upang hampasin ang bola.

Nang ibigay sa akin ni Hero ang bola ay nilakasan ko ang palo ko upang bumaon sana ngunit palobo ko iyong nadala sa kalaban kaya't lumabas ang bola.

"Sorry. Akin!" Sigaw ko sa mga kakampi ko.

"Guys, nandito ako sa likod. Magpipe attack na lang ako kapag broken play." Siguro'y naramdaman ni Kuya Michael na hindi ko talaga kayang umatake sa gitna at wala rin sa kondisyon si Hoven kaya't si Hero lang ang pag-asa naming umatake o di kaya'y pipe attack na nga mula sa kanya.

"Kaya ko. Ibigay niyo sa akin." Sabi ni Hoven gamit ang malamig na boses. Hindi ako sanay na ganito siya kaya't alam kong may problema.

"Hindi naman sinabing hindi mo kaya, eh? Nagbigay lang si Kuya Michael ng extra play para may options tayo." Depensa ko rito dahil baka pati kay Kuya Michael ay uminit ang ulo nito.

"Bro, chill out. Kanina pa mainit ulo mo." Suway ni Hero sa kapatid. Napapansin na rin yata niyang lahat na lang ay kinaiinisan ni Hoven ngayon.

"Wag niyo akong pansinin. Balik tayo sa laro!"

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now