Chapter 29

3.8K 91 20
                                    

Sobrang naawa ako sa nangyari kay Isaac. Sayang naman kung hindi na siya makakapaglaro dahil last year niya na ito. Malaking kawalan din siya sa team nila dahil maliban pa sa pagiging magaling na blocker ay sobrang diskarte rin nito pagdating sa mga atake. Pero bakit nga kaya siya binugbog?


"Ivan, kumain ka muna, o." abot ni Hoven ng lunchbox niya sa akin.


"Ikaw? Anong kakainin mo? Lunchbox mo 'to, ah?" 


"Kumain na ako bago umalis sa bahay. Ang mahalaga, makakain ka ngayon." nginitian ko siya pagkasabi niya noon. "Siya nga pala, kinausap ako ng doktor and since ankle sprain lang daw ang nangyari sa'yo, pwede ka nang lumabas mamaya." sabi nito habang kumukuha ng tubig sa ref.


"Salamat, Hoven." muli ko siyang nginitian pagkasagot ko at binuksan na ang lunchbox na ibinigay niya.


"Pasensiya ka na kung pancit canton lang ulam mo. Nagmamadali kasi ako kanina, e." 


"Anong pasensiya na? Mahilig naman akong kumain nito. Besides, aarte pa ba ako, e, ako na nga 'tong dinalhan ng pagkain." pagkontra ko rito sabay subo ng pagkain.


"Mamaya, may training kami para sa susunod na laban. Sasabihan ko na lang sina Kyle na sunduin ka kasi baka hindi ka na namin masundo, e." pagpapaalam niya.


"Hindi naman na kailangan, Hoven. Besides, malapit lang naman dorm natin dito." pagtanggi ko sa kaniya dahil nasa university lang naman 'tong hospital. Kaya ko na rin namang makapaglakad nang maayos kaso masakit nga lang.


"Ayaw kitang mahirapan, Ivan." muli ko na namang naalala ang pag-amin niya sa akin kaya natahimik ako. Napatingin na lang ako sa kanya habang iniisip kung papaano ba niya ako nagustuhan. Bakit ang tao pang gaya ko at bakit ako pa? "Don't look at me like that. Mas lalo akong nahuhulog sa'yo. Baka hindi na kita pakawalan."


"Hoven." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya dahil doon. Hindi ko rin alam kung ano bang gusto kong mangyari.


"Hindi mo kailangang makonsensiya, Ivan. Hindi ko ginustong mahalin ka pero ngayon, gusto ko nang mas mahalin ka pa." sakto namang pagkasabi niya noon ay bumukas ang pinto at pumasok nang magkakasama sina Rose, Snow, Kylene at Hero.


"Oops! Nakakaistorbo pa yata tayo." isasara na sanang muli ni Kylene ang pinto ngunit biglang nagsalita si Hoven.


"It's fine. Get in." 


---------------------


"So, anong meron sa inyo ni Hoven?" hindi na napigilang itanong ni Snow nang umalis na sina Hero at Hoven.


"Oo nga. Why did he say na gusto niyang mas mahalin ka pa? Is there something going on?" dagdag ni Rose dito.


"Alam niyo, nagkabati lang kayong dalawa, ako na naman 'yong nasa hot seat." pag-iwas ko sa usapan.


"'Wag mo na i-change 'yung talk. Just answer why niya ba sinabi 'yon?" halatang curious na curious si Kylene nang itanong 'yon. Sabagay. Ako rin nama'y ganto rin siguro ka-curious kung ibang tao lang ako at narinig kong sinabi niya 'yon sa akin.


"He told me na gusto niya raw ako." pag-amin ko. Halatang nabigla sila sa sinabi ko kahit pa narinig naman na nila kanina galing sa bibig ni Hoven.


"So, is he bisexual?" tanong ni Kylene.


"Duh. If a guy likes another guy, ibig sabihin hindi na siya straight." pagsagot ni Snow dito. 


"All this time, akala ko he's straight." hindi makapaniwalang sabi ni Rose.


"And then? What pa 'yong mga sinabi niya?" pang-iintriga ni Kylene.


"Actually, sinabi niya sa akin noong birthday namin. Then afterwards, sobrang awkward na kasi lagi ko siyang napapansing nakatingin sa akin or what." pagkukwento ko sa kanila.


"Well, here's the question. May chance ba siya sa'yo?" I was caught off guard. Hindi ko inaasahang itanong sa akin ni Snow 'yon kaya hindi ko rin alam kung papaano sasagutin.


"Ewan. Hindi ko alam."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon