Chapter 14

3.7K 123 0
                                    

Kami pa rin ang magkakagrupo kaya't mas madali na ang pag-aadjust namin kumpara sa una. Alam ko na rin naman kung paano maglaro ang varsity namin dahil sinabihan ako ni Hoven na pag-aralan kung paano sila tumira kaya't kahit papaano ay kaya ko naman nang humarap sa kanila.


"We will only have one set per game. Our first game is against their team. Then, we will fight against the team B players before we fight the varsity team. I know we can do this, okay?" hindi ko mapigilang hindi humanga sa pagiging leader ni River. Halatang sanay na siya sa mga ganito at nakakatuwang isipin na kasama ko siya sa team ngayon. 


"Okay!" sabay-sabay na sigaw namin as a team. 


Pumito na ang assistant coach kaya't inihanda na namin ang sarili namin para sa unang laban. Kalaban namin ang grupo nila Hoven kaya't nakangisi ito sa aming dalawa ni Hero ngunit iling na lang ang isinagot namin dito. 


Nang tawagin na kami ay pumwesto na kami nang gaya sa pwesto namin kanina. Si River ang pinakaunang magseserve kaya't humanda na kami. Pagkapito ng referee ay hinampas na ni River ang bola at binantayan ko na ang setter nila para sa blocking. Hindi naging maganda ang first ball nila kaya sigurado akong kay sa open ibibigay ang bola. Nang makitang papalapit na si Hoven ay naghanda na akong tumalon. Pagkatalon niya ay tumalon na rin ako. Katabi ko ngayon si Charles at sabay naming hinarangan ang hampas na iyon ni Hoven. Na-block namin ang bola kaya't kami na naman ang nakakuha ng unang puntos. Nag-apiran kaming lahat dahil doon. Muling isinerve ni River ang bola. Nakita kong ngumisi si Hoven sa direksiyon ni Hero kaya't naramdaman kong doon niya dadalhin ang bola. Alam ko namang nasa likod ko lang si River kung sakaling magdown the line siya ng tira kaya't iniwan kong naka-awang ang gilid at binantayan ang direksiyon ni Hero. Tama nga ang hinala ko dahil kay Hoven na naman ibinigay ang bola ngunit nagdown the line ito. Mabuti na lang at nasalo iyon ni River at dumiretso ang bola malapit sa akin. Mataas naman iyon kaya't napagdesisyunan kong hampasin na kaagad ang bola. Nakita kong malaki ang butas nila sa gitna kaya't doon ko pinadiretso. Walang nakasalo noon kaya't sa amin na naman napunta ang puntos. 


Apat na sunod-sunod na puntos ang nakuha namin ngunit napalakas na ang serve ni River kaya't nag-outside ito. 


"Sorry." sabi nito kasabay ng pagtaas ng kamay. 


Ngayon nama'y sila na ang magseserve ng bola. Umatras ako upang kunin ang short ball kung sakali man. Nang pumito ang referee ay agad niyang hinampas ang bola at pumunta iyon kay River. Mabilis na tumakbo si Hero upang i-set ang bola at naghanda naman ako upang hampasin ang bola kung sakali mang sa akin niya ito ibigay. Sa akin nga niya ibinigay ang bola kaya't tumalon na ako. Isang cut shot ang binigay ko dahil nakita kong bakante ang zone 2 nila at walang nakakuha noon.


Nagtuloy-tuloy lang ang laban hanggang sa manalo kami. Dali-dali kaming pumunta ng bench upang uminom ng tubig dahil talaga namang nakakapagod ang laban na iyon. 


Dahil kami ang nanalo, kami ang tutuloy sa susunod na laban upang kalabanin naman ang team B players. Wala akong ideya tungkol sa kanila ngunit sigurado akong makakayanan din namin sila dahil kasama namin si River sa team.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon