Chapter 65

921 33 2
                                    

Natutulog na sila ngayon ngunit nandito ako sa balkonahe, dinidibdib ang pagkatalo namin kanina. Kung hindi sana ako nagpadala sa audience, paniguradong papasok ang serve kong iyon. Ibang-iba pala talaga ang international competition. Hindi ko inasahang malaking bagay din pala ang audience.

"Ivan?" Dali-dali kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Hoven. "Umiiyak ka ba?"

"Natalo kami kanina." Kahit anong pigil ko ay hindi ko pa rin maiwasang umiyak.

"Don't blame yourself, Ivan. You did great." Subok nito na patahanin ako ngunit hindi ko pa rin magawang tumahan. It's my fault.

"Kasalanan ko." Muli'y napahagulgol ako. Kasalanan ko naman talaga kung bakit natalo kami. Nakokonsensya ako sa teammates kong umasa na mahahabol namin 'yon pero pinatalo ko lang.

"You scored 17 points. Sobrang taas na noon for international competitions." Pilit pa rin nitong pagpapagaan sa loob ko. "That fifth set was yours. Ikaw naman ang dahilan kung bakit kayo nakapag13 points sa last set kaya don't feel bad about it."

"Pero kasalanan ko pa rin. Kung naipasok ko lang sana 'yung serve na 'yon, baka nanalo pa kami." Nanghihinayang na sabi ko rito. 'Yung serve na 'yon ang nagdikta ng laban kanina at kasalanan ko pa. Sana, nilabas na lang ako kanina para hindi nag-error ang serve ko.

"Alam kong kahit anong sabihin ko, hindi gagaan loob mo. Paniguradong dadalhin mo habambuhay 'yan." Alam ko. Unang laban ko sa international arena pero ako pa ang nagpatalo. "But please, don't blame yourself. Gaya ng sinabi ko, ikaw naman ang nagbuhat kanina para makahabol kayo sa fifth set."

"Pero ako pa rin ang nagpatalo."

"Anong gusto mong mangyari ngayon?" Bakas sa boses niyang hindi niya na rin alam ang isasagot sa akin.

"Hindi ko alam. Hindi ko na rin naman mababawi pa 'yon."

Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na siya. Hinawakan niya ako sa mukha at dahan-dahang pinunasan ang aking luha.

"Sabi mo nga, hindi mo na mababawi 'yon. 'Wag ka nang umiyak, please." His eyes beg for my peace. Kahit mabigat pa rin sa loob, pinilit kong magmukhang ayos na ako. "Ice cream?"

"Anong ice cream? Gabi na. Natutulog na nga sila Hero, oh." Pagtanggi ko rito dahil hindi naman na tamang kumain pa kami.

"I insist. May Mcdo naman malapit dito." Pagpupumilit nito.

"Lalabas tayong nakapajama?" Tanong ko rito.

"Why not?" Pagbalik nito ng tanong sa akin. "Please?"

I will be selfish if I say no. Hoven is such a genuine person. Ramdam kong ginagawa niya ang best niya para mapagaan ang loob ko.

"Saglit lang tayo, ah." Pinisil nito ang pisngi ko pagkasagot ko noon.

"Oo naman. Ayaw kong mapuyat ka."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero napayakap ako sa kanya. God! I'm so thankful for this guy.

"Nagiging clingy ka na, ah." Pansin nito sa akin. Am I really falling for him? Hindi ko rin kasi alam.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto." Niyakap na rin ako nito pabalik. "Gustong-gusto." Mas humigpit ang yakap nito sabay halik sa aking noo.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon