Chapter 5

5.6K 218 2
                                    

Maagang natulog sina Henz, Hoven at Harvey. Nalasing sila dahil madami silang nainom pero ang pinakalasing sa lahat ay si Hero. Lahat ng shot na ibinibigay sa akin, sinalo niya dahil alam niyang ayaw kong uminom. Nakonsensya ako kasi ako ang rason kung bakit sobrang lasing siya ngayon pero humanga din ako kasi nakayanan niyang uminom nang ganoon karami.


"Ivan, s-salamat ah." nahihirapang sabi nito habang pinupunasan ko siya.


"Hero, matulog ka na." sasakit lang ang ulo niya kung hindi pa siya matutulog ngayon.


"Lagi kang nandyan para sa akin." suminok siya pagkasabi noon. "Ang swerte swerte ko kasi naging close tayo." Nagdadrama ba to? 


"Sshh. Matulog ka na." pagpupumilit ko dito. Kailangan niya nang matulog dahil alas dose na at kami na lang ang gising sa kwarto.


"Ayaw kong matulog. Pagkagising ko bukas, hindi na tayo ganito." nagulat ako nang biglang may pumatak na luha sa kanya. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit. May problema kaya siya na hindi nasasabi kahit kanino?


"Hero, are you okay?" tanong ko dito.


"I will be okay. I will be fine basta nandito ka lang sa tabi ko." nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pagkatapos noon ay pumikit na siya. 


Aaminin ko, I felt that I'm really important for him. Pakiramdam ko, sobra niyang pinapahalagahan 'yung friendship namin and that alone, sobrang saya ko nang nakilala siya.


Kinaumagahan, nagising ako dahil sa napakabangong amoy ng kape. Pagkabangon ko ay napansin ko si Hero na nagtitimpla ng kape.


"Ang aga mo yatang gumising?" pansin ko dito.


"Uy, gising ka na pala." nilingon niya ako pagkasabi noon. "My head hurts so much kaya kinailangan kong uminom ng gamot." halatang masakit nga ang ulo niya dahil sa tono ng boses niya.


"Sorry. Dapat kasi hindi mo na lang sinalo 'yung mga binibigay nila sa akin." 


Bumangon na ako at pumasok sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush.


"They will force you. Kilala mo naman sila." he answered. Tama nga naman siya. Hindi nila ako titigilan hangga't walang sumasalo ng shot para sa akin. 


"Thank you nga pala kagabi." sabi niya pagkalabas ko ng banyo. "Alam kong ikaw nag-alaga sa akin kagabi kasi ikaw lang naman 'yung hindi nakainom sa amin." 


"Wala 'yun. Nasaan pala 'yung tatlo?" tanong ko nang mapansin kong kaming dalawa lang ang nasa kwarto ngayon.


"Nasa beach. Naglalaro ng volleyball 'yung iba tapos naglalangoy naman sa dagat 'yung iba." sagot nito sa akin kaya naexcite ako. "I know you're excited right now because of volleyball but you should eat first." nakangising sabi nito. No doubt, kilala niya talaga ako.


Alam ko namang wala akong magagawa kaya kumain na ako. 


"Sinong nagluto nito?" tanong ko sa kanya.


"Si Hoven. Siya 'yung pinakaunang nagising sa amin." Napatingin ako sa orasan at nakitang alas sais pa lang ng umaga. Anong oras kaya nagising si Hoven para makapaghanda kaagad?


"Marunong palang magluto si Hoven 'no?" I stated the obvious. Wala na akong ibang masabi at ayaw ko namang tahimik lang kami dito.


"Lagi siyang nasa bahay eh. Mostly, kasama niya sila manang kaya natuto na rin siyang magluto." pagpapaliwanag nito. I didn't know that. Kapag pumupunta ako sa bahay nila, si Hero lang ang nakikita ko doon madalas dahil wala 'yung tatlo. Busy naman sila Ninong Heaven at Ninong Hans kaya hindi ko rin sila nakikita lagi. 


"Pwede na palang mag-asawa si Hoven 'no?" biro ko dito.


"What? No!" natawa ako sa reaksiyon ni Hero. "I will kill him." tahimik lang si Hoven pero alam kong sobrang close sila ni Hero. And of course, Hero is the second one so he will really be protective of his brothers.


"You really love your brothers. Ang cute niyong apat." I said out of nowhere.


"Even Harvey?" This time, ako naman ang biniro ni Hero.


"Never mind. Hindi pala." pagsakay ko sa biro niya at nagtawanan na kaming dalawa.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now