Chapter 16

3.5K 115 1
                                    

Bumalik ako sa kwarto ko nang may dalang pagkain at inumin habang nagkukwentuhan sila doon. Sobrang na-miss talaga namin ang isa't-isa dahil ang tagal na nang huli naming bonding na kagaya nito.


"Rose, ilang months na kayo ng boyfriend mo?" pang-iintriga ni Snow sabay hila ng paborito niyang Roller Coaster.


"I don't know. Maybe three or four." hindi siguradong sagot nito.


"Woah. Boyfriend mo tapos hindi mo binibilang kung ilang buwan na kayo?" gulat na tanong ni Henz dito.


"Come on, guys! He's not actually my type. It's just that I love the stuffed toys that I'm getting from him from time to time." totoong sagot nito. Hindi na ako nagulat doon dahil hindi naman na bago ito kay Rose. Lagpas sampung lalaki na yata ang naging boyfriend niya for the same reasons na kagaya nito.


"I'm telling you, Rose. Stop that. It's not good na magpapalit-palit ka na lang ng lalaki because of the things they are giving you. Nagmumukha kang materialistic." prangkang komento ni Snow dito. Para namang walang narinig si Rose at kibit-balikat na lang ang isinagot.


Halos sabay-sabay kaming napabuntong hininga. Lagi na lang naming sinisita si Rose dahil sa ginagawa niya dahil talaga namang mali pero parang wala siyang naririnig. 


And all of a sudden, may narinig kaming katok and I was surprised to see kung sino 'yun. It was Harvey. But no, I was not surprised to see him but rather, to the guy next to him.


"River Ignacio?" sabay na sabi ni Snow at ni Rose. Halatang nagulat din sila sa nakita dahil sikat na tao ang nasa harap namin. 


"Hi Ivan. Hi Hero. Nice to see you here, too." nakangiting bati nito sa amin. Kunot noo namang napatingin sina Rose at Snow dahil doon.


"Paano niya kayo nakilala?" nagtatakang tanong ni Snow.


"He's our setter kaya kami nanalo kanina. We didn't expect na nandito rin siya." sagot ni Hero sa kanila.


Bigla akong napaisip. Lahat ng mga tao sa baba ay mga college friends ng aming magulang at lahat ng nandito sa kwarto ko ay mga kinakapatid ko. Ibig sabihin ba'y kinakapatid ko rin si River? 


"Don't flatter me too much." nahihiyang sita ni River kay Hero.


"No! You're really a good player." manghang-mangha pa rin si Rose sa pagkakita rito. Halatang hindi siya makapaniwala na nasa harap niya na ngayon ang isa sa pinakamagaling na player sa buong mundo.


"T-thanks." napakamot na lang si River dahil doon.


"Take a seat. Join us." yaya ni Snow dito. Lumapit na si River sa amin pagkatapos noon at kitang-kita na nahihiya pa siya ngunit maya-maya lang ay nakikitawa na rin siya sa amin. 


"Hello." napatingin kaming lahat nang may magsalita sa pinto. Hindi namin napansing may tao pala doon dahil busy kami sa pagkukwentuhan. "Nice to see you joining them." nakangiting sabi nito kay River. "How are you, guys? Baka hindi niyo na ako kilala ah." pabiro nitong sabi pero totoo naman yata. Hindi ko siya kilala at mukhang hindi rin siya kilala ng iba ko pang kasama. "I'm your ninong. I'm the father of River and I'm one of your parents' college friends. Just call me Ninong Stone."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now