Chapter 3

6.9K 263 2
                                    

"Ah, sa pool muna ako kasama nila Zia." paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagsimula nang maglakad.


I felt awkward. I was not supposed to feel it but I did and it's not okay. Alam ko rin namang nagbibiro lang si Hero at sanay na ako doon but this time, as he look into my eyes, everything seems serious. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam noon at ayaw ko namang paasahin ang sarili ko. Isa pa, ayaw kong ma-fall kay Hero dahil siya ang pinakamatalik kong kaibigan.


Pagkadating ko sa pool kung nasaan sina Zia at Christelle, they both looked at me with surprise.


"Bakit ka nandito? Boring dito." napailing na lang ako sa biro ni Zia. These friends of mine are really those introvert type. As an ambivert, sobrang heaven para sa akin na at times of silence, nandyan sila to be with me.


"Bakit? Hindi ba ako allowed dito?" pabiro ko ring sagot and then I sat into the corner near them and I dipped my feet into the water. "Shocks! Ang lamig ah." nagulat ako dahil sa sobrang lamig ng tubig. I was not expecting it to be like that kasi hindi pa naman gabi.


"Eh ate girl, kaunti lang kasi kami dito. Mamaya, for sure iinit na 'yan." sagot sa akin ni Christelle.


"Saan kayo magcocollege?" tanong ko sa kanila. Honestly, I will miss them. Kahit na halos hindi mo sila maramdaman kapag nasa crowd ka, alam mong they are just there waiting for you hanggang sa magsawa ka na at sila naman ang samahan mo.


"Pumasa na ako sa UP. Hindi ko na itatry sa ibang universities kasi UP na 'to oh!" sagot ni Zia which doesn't actually surprised me kasi alam ko namang matalino si Zia pero sobrang saya ko para sa kanya. 


"Zia! Oh my gosh! I'm so proud of you." masaya kong sabi dito. UPCAT is really a hard exam based on my classmates who also took it pero naipasa niya. Sobrang nakakaproud na may kaibigan akong nakapasa doon. "Ikaw Christelle?" baling ko dito.


"Well, my dad told me na sa Australia na lang daw ako mag-aral. Sino ba naman ako para tanggihan pa 'yun?" 


I'm really happy for them. They are always there for me and I'm so happy to think na magiging successful sila someday dahil sa paths na pinili nila ngayon.


"Ang yayaman naman pala nitong mga kaibigan ko. Mag-apply na lang kaya akong muchacha niyo?" biro nanaman ni Zia. 


"Baliw." sabay na sabi namin ni Christelle at natawa na lang dahil doon.


Maya-maya lang ay wala nang nagsalita sa amin. Nakatingin lang kami sa kawalan hanggang sa may tumulak na lang sa akin at habang nakalubog ay naramdaman kong tumalon na rin siya sa tubig. Agad akong umahon at doon ko nakitang si Henz pala ang tumulak sa akin.


"Gosh! Paano pala kung malalim 'to?" reklamo ko dito at sinabuyan siya ng tubig.


"Then I'll rescue you. Napakaserious mo naman kasi." natatawa nitong sabi kaya't mas sinabuyan ko pa siya ng tubig.


"Wala ka talagang magawa sa buhay 'no? Ayan!" sinabuyan ko ulit siya nang sinabuyan nang tubig hanggang maya-maya lang ay may narinig kaming kantyaw.


"Ayieee!" asar ni Tanya na pababa na ng pool ngayon.


"Anong ayiee? Baby brother ko lang 'tong si Henz." depensa ko dito. Among those four, si Henz kasi ang pinakabatang mag-isip. He's playful, he's charming. He's everything that Harvey's not. Sobrang magkabaligtad silang dalawa kaya sa kanilang apat, si Henz ang pinakanatutuwa akong kasama.


"Kasi si Hero ang bet mo?" 

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora