Magic 1

19.7K 379 40
                                    








XXX


Chapter 1 | Rose full of thorn


Raven's Pov


'Pinagbibigay alam sa lahat ng nasasakupan ng Kaharian ng Arzena na muling binubuksan sa lahat ang paaralan ng  Linford sa loob ng palasyo. Lahat ay inaanyayahang sumali at lahat binibigyan ng pagkakataong ipakita ang kakayahan nila . Inaasahan ng buong kaharian ang inyong partepasyon ' mahinang basa ko sa mensaheng nakadikit sa isang pader dito sa bayan ng Belmoor.


Kinuha ko ang mensahe at sinilid ko sa aking daladalang plastik .


Agad akong umuwi sa amin bahay . Dala ang mga pinamili ko . Unang kong nakita ay si lola Parca . Silang magasawa ang kumupkop sakin nung pinatay ang mga magulang ko.


'Nagtagal ka ata Raven ?' tanong nito sakin

Nagmano muna ako dito bago nilapag ang mga pinamili ko 'Lola may ipapagpaalam sana ako sa inyo ' pagsisimula ko


'Ano iyon ?' Tanong nito


Nilabas ko ang mensaheng nakita ko sa bayan 'Gusto kong pumasok sa loob ng kaharian, gusto kong magaral sa Linford ' stright ko sabi


Makikita ang gulat sa mukha ni lola dahil sa mga sinabi ko 'Hindi mo parin ba nalilimutan ang nangyari Raven. Ako na nagsasabi sayo anak ipapahamak mo lang ang sarili mo sa loob ng kaharian '


'Ngunit lola hindi ako papayag na hanggang dito na lang ako gusto kong magaral at makapasok sa Kaharian . Gusto kong lumakas lola ' ani ko


Hanggang sumulpot na sa usapan namin si lolo Dino ang asawa ni lola Parca "Ano ang pinaguusapan nyo at bakit ang ingay ata ?'

Lumapit ito kaya lola Parca " ito kasing si Raven gusto pumasok sa Linford Academy at kaharian ' paliwanag ni lola


Tumango naman ako . 'Anong problema roon Parca hayaan mo ang batang gawin ang kanyang nais ' pagsasangayon ni lolo


Napangiti naman ako sa sagot nya . Dating kawal ng kaharian ng Arzena si lolo Dino ngunit sa huli nyang laban ay napuruhan sya sanhi para maputulan sya ng isang binti kaya ito'y may saklay .


'Dino alam mo ang kapahamakan sa loob ng kastilyong iyon ' sambit ni lola

'Lola magiging maayos ako maniwala po kayo at tinuruan ako ni lolo kung paano ipaglaban ang sarili ' sabi ko habang lumalapit sa kanya

'Oonga naman Parca hayaan na natin ang bata , wag natin ipagkait ang dapat ay sakanya ' anas ni lolo

Kaya sa huli ay wala ng nagawa si lola Parca kung di sumangayon narin dahil sadyang mapilit ako at si lolo .



Kaya dali dali na kong naghanda para agad na makaparoon .



'Mabigat sakin ang iyong pagalis Raven anak pero magiingat ka roon lumaban ka kung nasa tama ka at mahal ka namin tinuring kanamin anak namin ' pagpapaalal ni lola Parca.


Tumango naman ako dito sabay yakap sa kanya 'opo lola maraming salamat po sa lahat ipinapangako ko po makakapasok ako sa paaralang iyun 'sabi ko bago bumitaw sa pagkakayakap rito


Tumingin naman ako sa gawi ni lolo dino 'Bata magiingat ka roon, palagi mong alalanin ang mga tinuro ko sa iyo at pagdating mo roon hanapin mo si Felcia matalik ko sya kaibigan at makakatulong sya sayo ' paalam ni lolo sabay yakap din sakin


(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon