Volume 2 CH 25 :Beyond The Boundary

1.9K 57 13
                                    

Raven's Pov

'Nandito na tayo binibini' ani nung tinatawag nilang ama sabay pakita sakin ng isang itim na pinto.

At kagaya nga ng sabi nung mangagamot nasa tuktok nga ang silid ni Ashton. Tahimik, madilim at mukha nagiisa lang sya sa loob.

'Salamat' ani ko.

'Pinayagan kitang pumunta dito dahil biglang pasasalamat sa pagsubok mong iligtas ang mga nasasakupan ko. Ngunit tuloy parin ang pagiisang dibdib nyo ng anak kong si William' wika nito.

'Hindi maaaring masayang ang isang tulad mong dugong maharlika' dagdag pa nito.

Nagbow na lang ako dito ng bahagya at pinihit ang pinto. Dahan dahan akong pumasok dito ngunit nagulat ako sa aking nakita. Dahil ang akala ko ay napakadilim at napakalungkot ng silid ni Ashton ngunit nagkakamali ako. Oo kulay black ito ngunit mas naging maliwanag ito at gumanda sa mga maliliit na ilaw sa kisame at dingding na animo ay mga bituin.

Walang kagamit gamit yung kwarto nya kung di isang baul at sa gitna ang isang kama na gawa sa kahoy na kasalukuyang naroon ang hinahanap ko. Kaya naglakad ako ng hindi gumagawa ng ingay dahil baka magising ko sya hanggang tumapat na ko sa natutulog na si Ashton na napakamo. Oo may suot ulit ito maskara.

Napansin ko na hindi pa nagagamot yung mga natamo nyang sugat kaya agad akong umupo sa sahig at binuksan ang first aid kit na hiningi ko dun sa tinatawag nilang ama.

Gagamotin ko na dapat sya ng biglang nyang hawakan ng mahikpit ang braso ko na bahagya kong ikinagulat dahil buong akala ko tulog pa sya.

'Bakit ka nandito? At pano ka nakapunta dito?' tanong nito Ngunit hindi ko sya sinagot at pinilit ko lang tanggalin yung pagkakahawak nya sa braso ko at nagtagumpay naman ako kaya natuloy ko na ang pagpahid ng gamot sa sugat nya sa kanyang braso.

Naramdaman ko na nagulat sya o nailang sa ginawa ko ngunit hindi naman sya pumalawag.

'Gagamutin ko lang yung sugat mo para kabayaran narin sa pagligtas mo sakin' sagot ko habang pinapahidan ang mga sugat nya. Lumipas yun ng ilang minuto hanggang tangkain kong tanggalin yun maskara nya ngunit agad nya kong tinulak.

Kaya napasalampak ako sa sahig at sya naman ay napaupo sa kanyang kama na halatang halata nagulat. Kaya nginitian ko sya at muling lumapit sa kanya.

'Hindi ako natatakot. Kaya sana hayaan mo kong gamutin yung sugat mo sa noo.' ani ko hanggang nahawak na ng dalawang kamay ko ang maskara nya.

'W-wag' nauutal na pigil nito sabay hawak sa kamay ko ngunit umiling iling ako.

'Kung gusto mo pumikit ka habang ginagamot ko yun sugat mo baka kasi maempeksyon yan' sagot ko at Naramdaman kong lumuwag yung kapit nya sa kamay ko at maskara nya.

'Pero gusto ko rin kasi talagang tignan muli yung mata mo. Kasi sobrang ganda talaga. Pero kung ayaw mo okay lang' dagdag ko pa hanggang tuluyan ko ng natanggal yung maskara nya at napangiti ako ng hindi nya pinikit yun mata nya kaya malaya kong nakita ang ganda nito.

At ngyon na malapitan ko na itong nakikita lalo akong nagagandahan dahil ngyon lang ako na kakita ng ganto klaseng mata.

Ito ba ang mata ng isang halimaw para hindi naman ako makapaniwala. Kung titignan lang sana nila ng malapitan at ng mabuti mapagtatanto nilang parang mga mata ito ng isang Dyos o Dyosa.

'H-hindi ka ba natatakot n-na kunin ko a-ng kaluluwa m-mong pagtumingin ka sakin?' biglang tanong nya kaya napatigil ako sa paggagamot sa sugat nya.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon