XXX-Choice and Choices -
Raven's Pov
'Kaera hindi pa nga tayo sigurado kaya wag kang ngumiti dyan ' saway ko sa katabi kong maka ngiti e abot bun-bunan .
'Bakit masama na bang kiligin dahil sa bestfriend nya ?' Tanong nito at tinaasan pa ko ng kilay .
Na pabuntong hininga na lang ako . Alam ko naman na kahit anong gawin ko hindi ako titigilan ni Kaera . Kung anong ang paniwala nya yun na yun wala ng makakabago .
'Itulog mo na lang yan Kaera, mauna ka na sa kwarto natin at ako pupunta na sa garden of thorn at matapos ko na ang paglilinis ko ' sabi ko rito .
'Orkey basta Raven ingat mamahalin ka pa ni Zack hahaha !' Pangaasar nito
'Sige na umuwi ka na ' utos ko dito at dumatreso na sa pupuntahan ko .
Kahit kelan talaga itong si Kaera binibigyan lahat ng kakaibang kahulugan .
Maglilinis na lang ako kesa problemahin ang Zack na yun at ang tiara na red na yun .Pero pagpunta ko sa garden of thorn ay may naabutan akong tao at isang itim na pusa roon .
Bigla na lang ako napahinto sa paglalakad ko ng makita ko kung sino yung lalaki na may katabing itim na pusa .
Ilang minuto akong tumitig rito at hindi magawang magsalita o humakbang lamang .
Ng napansin kong natutulog ito ng mahimbing . Kaya na malayan ko na lang na nalalakad na papalapit ang mga binti ko rito .
Ibang iba si Prince Night pag tulog sya . Oo si Prince Night ang naabutan ko rito na natutulog kasama ang isang itim na pusa . Ang amo amo ng mukha nito hindi katulad ng itsura nya pagnakikita ko sya .
Bakit dito sya natutulog ? Diba may kwarto naman sya ? So bakit sya nandito ? O baka naman na abutan lang sya ng antok dito .
Pero pano ako maglilinis na hindi sya magigising ? Kasi natatakot akong magising ko sya at hindi ko rin kayang humarap sa kanya sa kung anong dahilan .
Bahala na magiging maingat na lang ako sa mga kilos ko . Magsisimula na dapat akong maglinis ng narinig ko sya biglang nagsalita .
'W-Wag k-kang a-aalis ' ani nito kaya bigla akong napatigil sa ginagawa ko at agad na napatingin rito .
Kala ko nagising ko sya yun pala na nanaginip ata sya . At mukha pang masama dahil na kakunot ang noo nya.
'W-Wag mo kong iiwan p-pakiusap ' ani na naman nito .
Hala! Anong gagawin ko mukhang binabangungot ata sya . Gigising ko ba o hindi ? Hala! Raven anong gagawin mo .
'Please w-wag kang u-uma-lis !'
'Ahhh! Prince Night gising, gising !' Sabi ko habang mahinang tinatapik ang balikat nito .
Ngunit hindi parin ito nagising at parang lalong sumama ang panaginip nya dahil pabaling baling na sya ng kanyang ulo .
Tawagin ko ba si Kaera ? Hala! Malayo pa ang kwarto namin dito baka kung pumunta pa ko roon ay may masama ng mangyari kay Prince Night .
'P-Prince Night Pakiusap gumising ka Prince Night ! ' halos isigaw ko
Nagpapanic na ko at hindi ko na malaman kung anong gagawin na bigla syang nagmula ng mata .
'P-Prince N-Night ' tawag ko rito . Ngunit tinitigan lang ako nito at nagulat ako sa mga sumunod nyang ginawa.

ČTEŠ
(Enigma Trilogy) Linford Academy
FantasyEnigma Trilogy 1 - Linford Academy Raven Spade Martel live in a small village called Belmoor. After she witness her parents death..She promise herself that she will take a revenge to the person who kill her parents . But she believe the person that...