Magic 13

7.4K 183 5
                                    

Silver in the multimedia


XXX

Chapter 13: Garden of Thorns


Raven's Pov


'Raven pede naman kitang samahan maglinis sa garden of thorn ' pagpipilit ni Kaera sakin


Ngunit umiling iling ako dito . Marami kaming ginawa ngyon araw at alam ko at bakas sa mukha ni Kaera na pagod sya . Hindi naman kasi sanay sa pagod ang matataas na dugong katulad ni Kaera dahil sanay silang may gumawa ng gagawin nila . Ngunit sa katulad kong mabababang dugo , sanay na sanay ako sa pagod halos araw araw ata nararamdam ko ito .


'Wag na Kaera kaya ko na yun, magpahinga ka na lang sa kwarto natin ' sagot ko

Tinignan ako nito na pawang tinatanong kung sigurado ba ako sa disisyon ko . Isang ngiti ang isinagot ko sa kanya .


'Uuwin ako pagkatapos kong maglinis ' paalam ko .


'Sige Raven ingat hah !' Sabi nito at naghiwalay na kami ng ruta.


Binilisan ko ang paglalakad ko para makarating ako ng Garden of Thorn . Nasa kaliwang bahagi ito ng labas ng Linford .

Tatlo ang hardin dito sa Linford . Una ang Garden of wishes . Na di ko na itanong kay Kaera kung bakit ganun ang ngalan . Kasunod ang Garden of Thorn o hardin ng mga rosas . At ang pangtatlo ay ang  Enchanted Garden na nasa likod ng paaralan .

Ang kwento sakin ni Kaera ay may mahika raw ang hardin na iyun. Dahil hindi nito pinapakita ang tunay nyang ganda sa mga taong ayaw nyang makakita . Iilan lang daw ang nakakita sa tunay na ganda ng Enchanted Garden at lahat sila ay iisa lang ang naging larawan sa hardin .


Enchanting . Kaya tinawag na lang syang Enchanted Garden .


Pagkarating ko sa Garden of Thorns . Ay namangha ako sa taglay nitong ganda . Puro mapupulang rosas lang ang narito at may isang malaking puno na kulay pink ang mga dahon sa gitna .

Sobrang ganda ng hardin at marami rin ditong parong paro na nakadapo sa mga rosas .


Una kong ginawa ay nagwalis ako ng mga dahon na nalaglag sa lupa . Ang punong may kulay pink na dahon ay nagiging brown ang dahon nito pag nahulog na sa lupa .

Nagalis alis din ako ng mga bulok ng dahon sa mga rosas . Habang pinagmamasdan ang taglay nitong ganda .


Kahit padilim na ay parang naliliwag ang ganda ng mga rosas . At kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagtikom ng mga bulaklak .

Ng may nakita ako rosas na na aangat ang ganda sa iba dahil sya lang ang nagiisang kulay itim . Kahit itim ito ay maganda parin ito sa paningin .

Naaalala ko tuloy ang sarili ko sa rosas na ito . Dahil katulad nya na iiba rin ako sa lugar na ito . Ako rin yung nagiisang iba ang kulay sa nakakarami .


Balak ko sana itong pitasin ng biglang akong natusok ng tinik nito .

'Aray !' Daing ko


Nakita kong nagdugo ang natusok kong daliri . Pupunasan ko na sana ito ng aking panyo ng biglang ay may kumuha ng kamay ko at bigla itong binalot ng panyo .

Tiningala ko kung sino ito at namilog ang mga mata ko sa nakita ko .


Si Silver ! Sya yung nagpupunas ng dugo sa daliri ko . Bakit ?




(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon