Volume 2 CH 30 : I Decided

1.5K 34 1
                                    

Silver's Pov

Pagkasabi na pagkasabi ni Ashton na nakita nya na ang signal ni Raven ay agad akong nabuhayan. Sobrang delikado ng planong ito ni Raven pero nung nakita ko yun diterminasyon nya ay nawala yung takot at pangamba ko.

Nagtitiwala sya samin na dadating kami at ililigtas sila kaya wala kang makikitang pagaalangan sa mga mata nito. At alam ko na kung ano man itong nararamdaman ko ay katulad din ito ng sa kanila.

'Hoy weirdong nakamaskara malapit na ba?' rinig kong tanong ni Zack habang sabay sabay kaming tumatakbo at sinusundan si Ashton.

Aaminin ko kahit hindi ko pa nakikita ang lakas ni Ashton ay nakakasiguro akong malakas sya. Dahil kahit anong gawin naming bilis ay hindi namin maabutan ang pagtakbo nito na kung tutuusin ay si Zack na ata ang pinaka mabilis na nilalang na nakita.

Tanging pagtango lang ang sinagot nito at muling binilisan ang pagtakbo nya. Hanggang may natanaw kaming isang kweba at dun ay naramdaman ko ang presensya ni Raven. Ngunit ganon na lang ang pagtataka ko ng naghihina ang presensya nya.

Biglang dumaloy sa buong katawan ko ang kaba at takot habang papalapit kami ng papalapit sa kweba kung san ko nararamdaman ang nanghihinang presnsya ni Raven. Kung ano anong bagay na ang pumapasok sa isip ko at nagsisimula na kong magkakutob na nasa panganib si Raven kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko hanggang marating na namin ang mismong kweba.

'Dito galing ang signal' matipid na ani ni Ashton.

'Edi bilisan na natin at pasukin na ang kuta ng mga panget na nilalang na yun' wika ni Zack kaya sabay sabay kaming naglakad papasok sa loob. Ngunit mukhang inaasahan na nila ang aming pagdating dahil isang pangkat ang sumalubong samin.

'Aba mukhang pawelcome party ito ah' komento ni Zack. Kng susumahin ko ay nasa dalawangpu o higit pa ang bilang nila pero ayon sa nararamdaman kong presensya nila hindi sila ganon kalalakas. Kaya sa tingin ko kakayanin na ito nung dalawa.

Nung nagsimulang sumugod sina Zack at Ashton ay kinuha ko ng pagkakataon yun para makapasok sa loob at hanapin si Raven. Narinig kong pinigilan at tinawag ako ni Zack Ngunit nagtuloy tuloy lang ako dahil patagal ng patagal pahina ng pahina ang presensya ni Raven at natatakot ako dahil malaki ang tyansa na nasa panganib sya at kung di maagapan baka mawala ulit sya sakin.

Hinanap ko kung nasan naroon si Raven. May pailan ilan na pumugil sakin ngunit nagagawa ko silang patumbahin lahat. Hanggang makarinig ako ng isang sigaw ng babae.

Agad agad akong pumaroon sa pinanggalingan ng sigaw ngunit biglang nandilim ang paningin ko sa aking nakita.

Si Raven may malalim na saksak sa hita nito at punong puno ng galos sa katawan habang prinoprotektagan ang isang babae sa tatlong lalaki. Pupuntahan ko na dapat ito ng bigla akong napahinto dahil sa mabilis na pagpasok ni Ashton na wala ng suot suot na maskara.

Pinanood ko sya at yung tatlong lalaki na bigla na lang hindi makagalaw habang nakatingin sya dito ng daretso. At maya maya lang ay biglang humiyaw yung tatlong lalaki at sumuka ng dugo. Kaya lubos akong nagtaka kung anong nangyayari dito.

Ngunit may dumating pang mas maraming nilalang ngunit nung isa isa itong lingonin ni Ashton ay bigla itong hindi nakakagalaw at humihiyaw sa hindi ko maitindihan na dahilan. Kaya habang abala si Ashton sa pakikipaglaban ay agad kong nilapitan si Raven.

'Raven' tawag ko dito at pagkatapat na pagkatapat ko ay nag collapsed ang katawan nito sakin. Sinubukan kong tawagin ang ngalan nya para magkamalay sya ngunit bigo ako.

'M-may lason ang kutsilyong t-umama sa hita nya' napatingin ako sa sugat nya sa hita ng nagsalita yung babaeng nasa tabi ni Raven.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na totoo ang sinasabi ng babaeng yun. May kakaibang lason na pumasok sa katawan ni Raven kaya sya namumutla at ito rin ang dahilan ng paghina ng presensya nya.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon