Volume 2 CH 37: This I Promise You

1.6K 41 0
                                    

Crow's Pov (Kyrell)

'Wag kang lalapit mapapatay kita' ani ko habang nakatingin sa isang batang babae na may magarang suot na mukhang naligaw dito sa gubat.

Pero imbis na umatras ito ay naglakad ito papalapit sakin. Di ko manlang namalay na nakalapit na sya sakin at nahawakan na ang laylayan ng damit ko.

'Sabing wag kang lalapit!' bulalas ko sabay tulak dun sa bata dahilan para mabuwal ito.

Aalis na sana ako roon ng mapansin kong muling tumayo yung bata at muling humawak sa laylayan ng damit ko.

'Di ka ba natatakot sakin? Madadamay ka sa aking sumpa?' ani ko pero umiling iling lang ito na mas hinigpitan pa ang kapit sa damit ko.

Itutulak ko na sana ulit ito ngunit napahinto ako ng magsalita ito.

'ilog'

Huh? Tama ba dinig ko ilog ba ang sinabi nya? Ano naman gagawin ko sa ilog? Gusto bang pumunta sa ilog?

'May naririnig akong ilog, gusto ko pong pumunta ron' dagdag pa nito. So hinawakan nya ko kasi gusto nya ihatid ko sya sa ilog?

'Daretsohin mo lang yan mararating mo ang ilog' sabi ko pero nagtaka ako ng umiling iling ito.

'Huhugasan natin yun mga sugat mo. Masamang di malinis yan sabi ni Ver' sagot nito na nagpakunot ng noo ko. Napatitig ako sa kanya dahil sya ang unang taong nagalala sa kapakanan ko. Sya ang unang taong nagkaron ng pake sakin at di natakot.

At simula nun palagi ko ng nakikita ang bata yun. Hanggang naging hobby ko ng makipagkita sa kanya araw araw sa gilid ng ilog.

Lubos kong nakilala ang unang taong nagalala sakin at unang taong naging kaibigan ko. Para kasi sakin dati ay napaka impossible ng magkaron ng pake sakin ang mga tao sa palid ko lalo na ang gustohin akong maging kaibigan.

Pero nagbago lahat ng yun ng makilala ko ang batang si Arlea. Masayahin ito, makulit at napakaliwanag sa paningin ko. Palagi ako nitong ginugulat sa mga inaakto nya sakin. Yun mga dating impossible kong maranasan sa iba ay pinaranas nya sakin.

Tinanggap nya ko despite my curse and despite every sins i committed. She's so pure and weird but she's the most amazing and wonderful person i ever met.

'Kyrell What do you think snow becomes after it melts?" biglang tanong nito habang nakatambay kami dito sa ginawa kong treehouse sa tabi ng ilog. Di kami nakakapaglaro dahil umuulan ng yelo.

' Water' sagot ko pero nakita kong umiling iling sya.

"It becomes spring, doesn't it? 'sagot nya sabay ngiti sakin ng walang mababakas na takot o pagkabahala.

At simula nun sya na ang naging spring ko. She's my home, i felt secure and complete beside her. Simula nung dumating sya di na naging taglamig ang buong paligid ko.

Pero buong akala ko wala ng katapusan yun at palagi na lang spring ang mundo ko. Ngunit maraming nangyaring komplikado na nagpilit sakin na bumalik ulit sa mundo kong taglamig.

Para iligtas ang tinuring kong Home nabuhay ulit ako sa taglamig at walang bahay na masisilungan. Para protektahan sya ay inilayo ko ang sarili ko sa kanya.

~~~

'Make sure you will protect her and bring her back home Silver.' ani ko naikinagulat naman ni Silver na nasa tapat ko. Pero di na ko nagexplain ng mabuti at naglakad na ko papalapit sa kanya para ibigay sa kanya si Arlea.

'Ako ang bahala sa mga alagad ng mangkukulam na yun. And you is in-charge on running away. You need to promise me that you will protect Arlea in any cost, even your life?' ani ko habang dahan dahan na ibinibigay si Arlea sa kanya.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now