Volume 2 CH 24 : Open Your Eyes

2K 56 12
                                    


UNEDITED UNEDITED UNEDITED

Raven's Pov

Naghanap ako ng paraan para makatakas ako sa silid na ito ngunit walang bintana o anomang daan na pedeng labasan o pasukan kung di ang nagiisang pinto na may dalawang kawal na nagbabantay.

Oo hindi na nila ako tinali ngunit pano naman ako makakatakas kung iisa lang ang daan palabas at gwardiado pa ito na dalawang lalaking may sandata.

Kaelangan kong magisip ng paraan kung gusto kong makauwi sa Linford pero ano? At pano?

Sa pagiisip ko ay dumako ang atensyon ko sa pinto na biglang bumukas at inuluwa nito ang isa babae na kasama ng mga babailan na nagbihis sakin. May hawak itong maliit na patalim at pansin ko na nakahalf mask na lang ito na kulay pink.

'So ipapakasal ka kay master William? Kala ko pa naman ay iaalay ka sa mga halimaw na yun' rinig ko sabi nito habang naglalakad papalapit sa kinauupuan ko.

Tinignan ko sya ng mabuti mula ulo hanggang paa at narinig kong pinaalis nya muna ang dalawang kawal na nagbabantay sa aking silid. At dahil dun ay isang ideya ang sumulpot sa isip ko.

'Hindi ko inaasahan na sayo lang hahantong ang lalaking matagal ko ng hinitay na maging akin.' ani pa nito na ramdam na ramdam ko sa bawat pagbitaw nya ng mga salitang yun ay nandun ang matinding puot at pagkabigo.

'Lahat ginawa ko maging karapat dapat lang ako kay Master William. Ako ang perpektong babae na nararapat sa kanya ngunit sa dugong dumadalaytay lang pala sa iyong katawan ako matatalo' dagdag pa nito habang umuupo ito para pantayan ako.

'Hindi ko ito ginusto. Pinilit nyo ko' sagot ko ngunit hinitak nito bigla ang aking buhok at nung akma nyang itatapat sakin ang hawak nyang dagger ay agad kong inagaw ito sa kanya.

Dahil dun ay mas lalo nyang hinitak ang aking buhok kaya ako naman ay napilitan suntokin sya sa kanyang sikmura dahilan para mamilipit sya sa sakin. Kinuha ko namang ang pagkakataon na iyun para makatayo at makatakbo sa labasan.

'Bumalik ka dito babaita!' bulalas nito habang pilit na tumatayo ngunit agad kong sinarado ang pintuan at sya ang kinulong ko sa loob.

Naririnig ko ang pagsigaw nya at ang bawat paghampas nya sa pintuan ngunit sinawalan bahala ko na lang ito at lumingon sa kaliwa't kanan ko. Ayon sa pagkakatanda ko nung nilabas ako sa silid na yun sa kanan ang papunta sa labasan. Kaya wala na kong kaabog abog na tumakbo roon ng tahimik.

May mga bantay ang bawat pasilyo kaya hindi ko magawang tuluyan na makalabas. Apat na kalalakihan ito na may mga armas kung lalabas ako at lalabanan sila ay malaki ang posibilidad na matalo ako lalo na at hindi ko pa hasa ang aking abilidad.

Kaya nagisip ako ng paraan para makadaan dun ng may isang malakas na pagsabog ang kumuha ng atensyon ko at nung mga kawal na nagbabantay. At maya maya lang ay sinundan ulit ito ng dalawang mas malakas na pagsabog na nanggagaling sa labas.

Pagsilip ko ulit sa mga kawal ay may nakita akong kausap nito na galing sa labas.

'Kaelangan tayo sa tarangkahan. Sinusugod tayo muli ng mga Alfheimian' rinig kong ani nito. Kaya napakunot ang noo ko.

Nakita ko naman na dali daling lumabas yung mga kawal na walang iniwan na nagbabantay sa mga pasilyo kaya pagkakataon ko na yun para tumakbo ng mabilis palabas.

Ngunit hindi ko inaasahan ang masasaksihan ko pagkalabas ko. May mga nilalang na toro ang ulo ang walang awang pinapatay ang mga olipoian. Balak ko sanang gamitin ang nangyayaring kaguluhan para makatakas ngunit nagtatalo ang aking isip.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora