Magic 6

9.5K 230 13
                                    

Kaera in multimedia


XXX



CHAPTER 6 ;  Within the Paradise




Raven's Pov


Dahan dahan ako naglakad patungong sa siliid ng puno ng mga guro dito sa Linford.  Sabi kasi nung napagtanungan ko . Pumaroon daw ako para makuha ko ang Uniform ko, I.D at susi ng magiging kwarto ko dito


Nakakamangha ang buong paligid . Sobrang ganda ng pagkakagawa sa bawat detalye ng bawat sulok ng lugar na ito .


Mula sa mga pader na inukitan ng mga bulaklak at iba pang desensyo, at sa mga poste na pahahangain ka sa taglay na ganda at pag tumingala ka naman ay bubungad sa iyo ang magandang kisame na may mga disensyo na ulap, angel at paru-paro .






Tama ng ang sabi sabi na parang nasa loob ka ng paraiso dito sa loob ng Linford . Maiikumpara ito sa isang paraiso na iilan lang ang nabibigyan ng pagkakataon na makakita .


Pagkarating ko sa mismong silid na pupuntahan ko .


'Ikaw diba ang nagiisang mababang dugong pinalad makapasok dito sa Linford ' ani ng tao sa loob ng silid .

Tumango na lang ako at di pinansin ang sinasabi nya

'Maswerte ka taga Belmoor ' sabay abot nya sakin ng uniform ko at I.D

'Sana makatagal ka dito sa loob . Your room is located in the east wings room number 37 ' sambit nya

Siguro di nya alam na nakakaintindi ako ng ingles ...


'Ay! Nalimutan ko di ka pala marunon--' di ko na pinatapos ang sasabihin nya


'Thank for your concern Madam' nanlaki ang mata nya sa gulat dahil nagsalita lang naman ang isang mababang dugo ng pinagmamalaki nilang ingles.

'Pa-pano ka n-natutong ---' nauutal nyang tanong

'May I go now ?' Sabi ko imbis na sagutin ang tanong nya . tumango naman ito na parang wala sa sarili .


Iniwan ko sya dun na gulat na gulat sa mga sinabi ko . Di ko naman balak magsalita ng ingles ngunit masyado nya  minamaliit ang tulad kong mababang dugo

Sila rin naman ang dahilan kung bakit di marunong mag ingles ang mga mabababang dugo dahil pinagkait nila ito dito .


Pagkarating ko sa room number 37 dahan dahan ko itong binuksan muntik na kong atakihin sa puso ng may nakita akong asong lobo na ewan .


Pero nung nakuha ko ang atensyon nya ay bigla sya naging tao . Isang babae .

Lumapit ito sakin at nginitian ako


'Ikaw ba yung kashare ko sa kwartong ito ?' Tanong nya

Ngunit di ako makapagsalita ngyon lang ako makakita ng isang warewolf .

'Ah! Wag kang matakot sakin di kita kakagatin, tinitignan ko lang kasi yung balahibo ko kanina. Paliwanag nya

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon