XXXChapter 15: Combat Class
Raven's Pov
Nandito kami ngyon sa last subject namin na tinatawag na combat class. Higit na marami kaming kesa sa iba ko pang klase .
Kasalukuyan kasi narito kami sa combat field. Isa itong open space na kadalasan pinagprapraktisan ng mga knight .
'Magkakaroon kayo ng kapareha sa klase kong ito , kayo magkapares ay matutulungan para mapaghusay ang iyong taglay na lakas sa pakikipaglaban . Kailangan nyong magtulungan ng iyong kapareha dahil magkakaroon tayo ng duwelo ' paliwanag ni guro naming si Mr Seberus .
At nagsimulang umingay ang buong lugar dahil sa samut-saring reaction ng bawat estudyante .
'Any question Primus ?' Tanong nito na maotoridad .
Malaki ang pangagatawanan nito at mukhang sanay na sanay na sa mga digmaan o labanan .
Kwento sakin ni Kaera dating Heneral ng sandatahan ng Kaharian ng Arzena si Mr Serberus . At sya ang matuturing na magaling na Heneral ng Arzena .
'Mr pano po namin mapipili yun magiging partner namin?' Tanong ng isa kong kaklase .
Ngumiti naman sa kanya si Mr Seberus at may nilabas na medyo may kalakihan na box .
' Hinihintay kong tanongin nyo ang tungkol dyan . Syempre para fair sa bawat isa, bununot kayong lahat kung sino ang makakapareha nyo ngunit ang magiging kapareha nyo ay hindi katulad nyong primus ' sagot ni Mr Seberus .
Huh? Ang magiging kapareha namin sa klaseng ito ay hindi katulad naming primus kung ganon ano ? O sino ?
'Ang magiging kapares nyo ay ang mga Alter . Mas matuturuan kayo ng mabuti ng mga Alter dahil hindi tulad nyo marami na silang alam sa pakikipaglaban ' dagdag pa nya .
Halos di naman makapaniwala ang mga kaklase ko sa sinabi ng aming guro . Maski ako ay nagulat dahil magiging kapareha namin ang mga Alter .
'Alter bakit hindi na lang mga Tertius para makapareha ko si Prince Night ko !' Ani ni Kaera na biglang bumusangot ang mukha .
Gustong gusto talaga ni Kaera ang lalaking yun . Nagtataka naman ako kung anong nakita nya sa Prince Night na yun . Oo gwapo at may pagmamalaking lakas at katawan . Ngunit masyadong mailap at misteryoso . Hindi rin naman maginoo o mabait manlang . Kaya natatanong ko sa sarili ko kung anong nagustohan nya roon e .
'So let's start Primus the time is running !' Ani ni Sir at isa isa na kaming pinabinot ng aming guro sa hawak nyang box .
Ngunit hindi kami hinahayang makita o malaman kung sino ang aming magiging kapareha . Sabi ni Sir ay hintayin muna namin ang mga Alter na dumating .
Hanggang ilang minuto lang ay isa isa ng dumating ang ibang Alter na magiging kapareha namin . Wala akong kakilala maski isa sa kanila .
Ngunit nabuhayan ako ng loob ng makita kong naroon si Ryzell at nung nagtagpo ang aming mga mata ay binigyan nya ko ng isang ngiti .

YOU ARE READING
(Enigma Trilogy) Linford Academy
FantasyEnigma Trilogy 1 - Linford Academy Raven Spade Martel live in a small village called Belmoor. After she witness her parents death..She promise herself that she will take a revenge to the person who kill her parents . But she believe the person that...