Magic 45

6.2K 99 5
                                    




XXX



Chapter: 45 " Why ?"

Queen Felicita's Pov ( Castlevenia Kingdom )



'Ano ang nakalap nyong balita ?' Agad na tanong ko sa tatlo babaeng inutusan ko.

Nakaluhod ito sa akin harapan . Hinihintay ko itong sumagot sa aking tanong .

'Paumanhin Queen Felicita wala kaming nakalap na impormasyon ukol sa kakaibang kapangyarihan na naramdaman nyo . Wala na kaming naabutan sa lungsod ng Belmoor '

Bigla akong napahawak sa aking ulo dahil bahagya itong kumirot . Simula nun naramdaman ko ang kakaibang kapangyarihan na iyun may kakaibang nagbago sa katawan ko .

'Queen Felicita magpahinga muna po kayo nakakasama ang pagiisip nyo sa inyong kalusugan. ' ani ng isang dama sa tabi ko .

Ngunit umiling iling ako dito.

'Hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman kung san galing ang kakaibang lakas na yun . Kaya ko pa .' Sagot ko kaya wala ng nagawa ang dama at bumalik ito sa pwesto nya.

Medyo pamilyar sa sistema ko ang kakaibang kapangyarihan na iyun . Pawang tinatawag nito ang aking kaluluwa .




'Queen Felicita Bakit hindi natin tanongin si Tandang Marlita baka kaya ng kapangyarihan nyang alamin kung san galing ang lakas na inyong naramdaman .' Sabi ni Grizelda ang aking kanan kamay .

'Ipatawag ang matandang yun, madali ' utos ko kaya agad agad itong tumalima .

Napatingin ako kay Grizelda ng muli ito lumapit sakin .

'Queen Felicita hindi kaya ang naramdaman nyong yun ay an--' hindi ko na pintapos ang sasabihin nya .

'H-hindi maari Grizelda! Hindi maari, matagal na itong nawala .' Sagot ko. Sa pagtaas ko ng aking boses ay muli akong nakahawak sa aking ulo .

Kumikirot na naman ito ngunit hindi naman ganon ka sakit .

'Queen Felicita ayos lang po ba kayo ?' Agad na tanong ni Grizelda at agad na hinawakan ang aking balikat .

Tumango tango ako dito at hinawi ang kamay nito sa aking balikat .

Imposible ang sinasabi nya hinding hindi maaring mabuhay ang matagal ng patay .

Hindi maari.


Napatingin ako sa isang matandang papalapit sa aking trono . May hawak itong tungkod na may bolang kristal sa dulo nito .


Lumuhod ito sa aking harapan bago magsalita . 'Anong ipaglilingkod ko Queen Felicita ?'

'Gusto kong malaman kung kaya mong alamin kung san ng galing ang kaka-' hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng dugtungan nya ito .

'Kakaibang kapangyarihan,'

Bigla kaming napatungo tungo . Nakakasiguro akong naramdaman nya rin yun .

Sobrang lakas ng kapangyarihan na yun . At lahat ng may malalakas na kapangyarihan ay siguradong naramandaman ito .Bigla ng akong kinalibutan ng naramdaman ko ito .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon