Magic 16

7.2K 158 6
                                    



XXX

Chapter 16: Zack

Raven's Pov

Napukaw ang atensyon ng lahat ng dumating na si Stone na may kasamang isang lalaking sa tingin ko palang ay mayabang na .

Dahil kung pano sya maglakad ay parang kanya ang buong mundo at mistulang hari .


Lumapit ito kay Sir Siberus 'Sir ito na ang hinahanap nyo . Can I go now ?' Ani ni Stone

'Tsk! Sige alis na 'rude na sagot ni Sir .


Nagulat ako ng tumingin sa gawi ko si Stone at nagsmirk . Hindi ko alam kung bakit nya sakin ginawa yun. Di naman kami close .

Pagkatapos non ay pumunta na ito kay Kaera na kausap ni Ryzell.


'San ka ba galing Zack ? ' tanong ni Sir

Kumamot muna ng ulo nya yung Zack at bored na sinagot si Sir .

'Jan jan lang Matandang panot ' sagot nito .

'Di mo ba alam na may klase tayo ngyon ? At kung san san ka pumupunta ! At gumalang ka sakin bata ka !' Ani ni Sir .

'Ah! May klase pala tayo, Sensya na Matandang panot di ako na sabihan ' sagot nito . Kahit anong sabi hindi sya tumitigil sa pagtawag ng matandang panot kay Sir .


Yan ba ang magiging partner ko . Hay! Mukhang napaka malas ko talaga ngyon .

'Wala ka talagang pagasa Zack ! '


'Kayo po ang walang pagasang magkabuhok pa ' sabi nito at biglang nagtawanan ang buong klase .

Hala ! Mukhang naiinis na talaga si Sir Seberus . Ito kasing si Zack napaka bastos .

'Chill Tandang Panot lalo kang tatanda nan e . Bakit mo ba ko pinatawag ?' Tanong nito at nakita kong hinilot ni Sir ang sintido nya ay agad na tumingin sa gawi ko .

Sinenyasan ako nitong lumapit sa kanila kaya agad akong lumapit rito .

'Zack sya ang magiging kapares mo sa subject ko . Pakiusap Zack makipagtulungan ka kay Ms---?'

'Ah R-Raven Martell po !' Ani ko at napatungo na lang ako .

'Si Ms Martell ang magiging partner mo kaya turuan mo sya ng mga battle skills na alam mo ' dagdag pa ni Sir . Tumingin naman sakin yung Zack at parang ineexsami ako .

'Sya? Sa gwapo kong to isang babaeng flat lang ang ipapares nyo ! May galit ka talaga sakin Tandang panot e !' Ani nito . Nagpantig naman ang tenga ko sa mga sinabi nya .

Ako flat ? Anong ibig sabihin nya ? At ano bang akala nya ginusto ko rin maging kapares nya? Kung may chance pa nga hinding hindi ko sya pipiliin .


'Talk properly Zack !' Saway ni Sir .

'Ang gwapo gwapo ko para sa flat na babaeng to . May iba pa bang mas sexy dyan ?' Hasik pa nito . At nilibot pa ang tingin nya sa paligid .


Aba mayabang pala talaga ang lokong lokong ito e . Kala mo kung sino kung makaasta .


'Siguro sayang saya ka na ako magiging kapares mo noh ?'

Huh? Ako masaya ! Para nga akong sinakluban ng langit at lupa e . Kung pede lang magpalit ng kapares e .


'Ang kapal naman ng mukha mo kung may pagkakataon akong bumunot ulit ng magiging kapares ko sisiguraduhin kong hindi ikaw ang mabubunot ko !' Sagot ko at nakita ko naman na bahagya syang nagulat .


(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now