Volume 2 CH 24: You're Not A Monster

2K 57 9
                                    

Ashton Griffin nasa multimedia guys

Ashton's Pov

'Ama bakit bawal kong tanggalin ang maskara na ito?' tanong ko. Dahil nung nagkaroon ako ng mungang sa mundo ay nakatakip na ng maskara ang mga mata ko.

'Espesyal ka kasi Ashton. Kaya ipangako mo kay ama na kahit kelan hindi mo yan tatanggalin' sagot ni Ama kaya simula nun ay sinunod ko ang sinabi ni ama ngunit habang lumalaki ako ay naguguluhan ako kung bakit ko kaelangan itago ang mata ko

Hindi ako pinalalabas ni ama sa aking silid. Tanging nakatanaw lang ako sa mga kaedad ko na masayang naglalaro. Ngunit isang araw nung nasa hardin ako ay napunta sa paanan ko ang bola na pinaglalaruan ng mga bata.

Kaya agad ko itong pinulot balak ko sanang ibigay ito dun sa mga bata ngunit bigla silang nagtakbuhan palayo sakin habang may mga takot sa mga mata.

'Halimaw daw yan sabi ni ina kaya lumayo tayo dyan. Pagtumingin ka daw sa mata nya magiging bato ka'

'Nakakatakot ka! Halimaw!'

'Lumayo ka halimaw'

At simula nun ay nagkulong na ko sa aking silid. Dun ko rin napagtanto na hindi ako espesyal katulad ng sinabi ni ama kung di isa akong nakakatakot na halimaw na walang gustong makipagkaibigan. Isang panget na halimaw na walang karapatan na lumabas sa apat na sulok ng aking madilim na silid.

Sampung taon ako nun at sa 15 na taon na lumipas ay mas lalo kong itinago ang mga mata ko. Wala man lang kahit isa sa tribo ko o maski si ama na gustong tumingin daretso sa akin. Inilayo ko ang sarili ko sa mga katribo ko dahil hindi ako nababagay na lumapit sa kanila hanggang nasanay na ko at wala na sakin paglumalabas ako at nilalayuan ako ng mga tao dahil sa takot.

Ngunit binigo ko si ama at ginamit ko ang nakakatakot na kapangyarihan na yun. Yun natitirang pagasa ko na tanggapin ako ng tao ay tuluyan ng naglaho.

Iwan mo na ko. L-lumayo ka na. Sasaktan lang kita' anas ko habang nararamdaman ko na ang parusa ng paggamit ko na kapangyarihan na yun.

Hindi ko na maigalaw ang aking mga katawan at dagdag pa ng nagulat ako sa inakto ng babaeng ito sa harapan ko. Hindi ko inassahan na titingin sya sa mga mata ko ng walang katakot takot.

'Isa kong pangit at nakakatakot na halimaw. Kaya habang hindi ko pa magalaw ang katawan ko. Umalis ka na!'dagdag ko pa habang paulit ulit na nagsumusulpot sa isip ko ang mga taong takot na takot sakin.

Isa syang napaka bait na tao kaya hindi dapat sya lumapit sakin at mali rin na tinignan nya ko daretso sa aking mata. Dahil isa akong halimaw na kahit kelan hindi deserve ang liwanag.

Gusto kong tumakbo at lumayo sa kanya dahil habang tinitignan ko sya nagwawala ang puso ko at naguumapaw ang nararamdaman ko.

Ngunit tuluyan ng nag collapse ang katawan ko payakap sa kanya nung sinabi nya ang mga salitang kay tagal ng kinasabikan ng tenga ko.

'Hindi ka nakakatakot. At walang halimaw na sobrang ganda ng mga mata. Kung ikamamatay ko ang pagtitig sa mata mo ay titigan ko ulit ito sa pangalawang pagkakataon. At handa akong mamatay'

At dahil dun tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko ito mapigilan at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko biglang nagliwanag yung madilim kong mundo.

Bakit? Sino ka ba?

Bakit hindi ka natatakot sa kagaya kong Halimaw?

'Hindi ka Halimaw. Para sakin hindi ka halimaw.' rinig ko pang sabi nya na lalong napaluha sakin. 'Nandito na ko hindi mo na k-kaelangan maging magisa'

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon