Magic 26

6.9K 142 5
                                    





XXX


The King

Haring Linfort's Pov

'Punong tagapayo ano ang nais mong sasabihin sa akin ?' Tanong ko sa punong tagapayo ng palasyo .

'Mahal na hari, may imumungkahi saan ang pangkat namin na plano sa dadating ng kaarawan nyo ' paninimula nito .


Sa aking kaarawan ? Sa makalawa na nga pala ito . Hindi ko napapansin ang pagtakbo ng panahon .

Dahil ngyon mga nakaraang araw ang masyado akong maraming ginagawa lalo na at may kinahaharap na crisis ang Magic world .

Nagaisimula na kasing kumilos ang kaharian ng Xanadu at sa nakalap ng inpormasyon ng aking kawal ay balak nitong maghanap ng kaalyado nito .

Kaya marami akong iniisip at di ko na naalala ang darating kong kaarawan .

'Ano ang iyong plano ?' Tanong ko .


Magsasalita na sana ang aking tagapayo na biglang magdumating na isang kawal na kumakaripas ng takbo sa aking harapan.

'M-mahal na H-hari! M-hal '

Marami itong sugat at para dumaan sa isang matinding laban.

'Anong nangyari ?' Tanong ko .

'S-sinugod ang likodan bahagi ng lunsod. N-ng mga sundalong n-na ka itim . A-ako na l-lang ang t-tanging nakaligtas' nahihirapang paliwanag ng kawal .

Sinugod ang likodan bahagi ng lungsod . Hindi maari . Nagsisimula ng umatake ang Xanadu .

'Kawal dalhin sya sa pagamutan, heneral tipunin ang ikalawang pangkat at pumunta sa likodan ng lungsod ' utos ko at dali dali naman akong sinunod ng aking mga kawal .

'Anong nangyayari aking Hari ?' Biglang sulpot ng aking reyna .

Umupo ito sa tabi ko .

'Sinugod ang likodan ng lungsod .' Sagot ko .

Nakita ko ang pagaalala sa kanyang magandang mukha .

'M-may nasawi ba ?'

Tumango tango ako rito . Oo ilang kawal ang pinadala ko run . Higit sa sampu .

'Sa tingin ko galing sa gubat ng Sinha ang mga sundalong sumugod . ' ani ko .

'Ang lungsod na naghihiwalay sa kaharian ng Arzena at Elder ' ani ng aking taga payo .

'Oo, ngunit sa tingin ko ang kaharian ng Xanadu ang nasa likod nito. '

'Madaling pasukin ang kagubatang yun . Ngunit hindi lahat nakakalabas roon ayon sa aking balita . Kaya pano't nakaalis at nakapunta roon ang mga kawal ng Xanadu ?' Tanong ng aking taga payo .


'At Kaharian lang ng Arzena ang nagiisang kahariang may hawak ng mapa ng Kagubatan ng Sinha. Kaya nakakapagtaka ' dagdag pa nito .


(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon