Volume 2 CH 18 : Sudden Attacks

2.7K 67 11
                                    

Raven's Pov

'Bakit ang kulit kulit mo?' bumalik ako sa realidad ng bigla syang bumulong sakin.

Nanlaki yung mata ko nung napagtanto ko na yakap yakap ako ni Zack sa loob ng kwarto nya habang natutulog sa kabilang kama si Stone.

Imbis na sagutin ang tinanong nya sakin ay agad ko syang tinulak.

Bakit kasi ako dinala ng mga paa ko dito? Ano ba naman ang naisip mo at pumunta ko sa kwarto ni Zack. Kung nagising si Stone at nakita yung nangyari kanina ano naman ang iisipin nya. Nakakahiya.

'A-aalis na k-ko' nauutal kong sambit. Hindi ko kasi alam kung anong mukha ang mapapakita ko kay Zack matapos ang nangyari. Hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit nya ko biglang niyapak at isa pang kinatatakot ko na baka tanungin nya ko kung bakit pumunta ako sa kwarto nila sa disoras ng gabi.

Hindi ko naman pedeng sabihin na nagaalala ako sa kanya matapos kong malaman na hindi nya pinapagamot ang mga sugat nya sa mukha.

Ngunit nakakaisang hakbang palang ako ng bigla ulit akong hitakin ni Zack pakulong sa bisig nya.

'Sinong nagsabing pede ka nyang umalis' mahinang ani nito na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako baka magising si Stone at makita kami.

'Z-zack' tawag ko sa pangalan nya habang pilit na tinatanggal ang mga kamay nyang nakapulupot sa bewang ko.

Kasalukuyan kasing nakaupo sya sa kama nya at ako naman ay nakatayo. Ngunit lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya sakin dahilan para lalong lumapit ang mga katawan namin sa isa't isa.

Ano bang nangyari sa kanya? Ano bang gusto nya at bakit nya ko ayaw paalisin?

'Palagi mong pinapasakit ang ulo.' ani nya ulit.

'Z-zack bitawan mo ko. B-baka makita t-tayo ni Stone' utos ko sa kanya at habang pilit kong tinutulak sya.

Ngunit talagang hindi nya ko gustong pakawalan at mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sakin.

'Dapat lumayo ka na lang nung pinagtulakan kita. Sana kinamuhian mo na lang ako para naging madali ang lahat. R-Raven dapat hindi ka na pumunta dito. Naramdaman kong humugot ito ng malalim na paghinga bago ituloy ang sasabihin nya.

'Pinahihirapan mo ko Raven,hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kitang hitakin pero pag naaalala ko k-kung sino ako gusto na ulit kita itulak' ani nito at lalong humigpit ang yakap nya sakin na animong kinokontra ng kilos nya ang mga sinasabi nya.

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para magsalita kahit na ang daming tanong sa isip ko. Nagpasya akong manahimik na lang at hayaan syang yakapin ako at magsalita.

Hindi ko sure ito pero pakiramdam ko parang ang lungkot lungkot ni Zack. Parang gusto nyang humingi ng tulong dahil pakiramdam ko nakakulong sya sa isang hawla.


Yung boses nya parang yung boses ng isang taong pinipigilan umiyak. At yung yakap nya ay parang yakap ng isang taong ayaw maging magisa. Sobrang kakaiba si Zack ngyon pero pakiramdam ko ito ang totoong sya. Hindi yun lalaking palaging nakangisi at punong puno ng kayabangan ang utak.

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon