Volume 2 CH 33: The Queen In The Chess Board

1.7K 31 7
                                    


Silver's Pov

'Bakit hindi ko pedeng makita si Flat?' bulalas ni Zack habang nasa tapat ng pintuan at nagpupumilit na makalabas para puntahan si Raven.

Pagkagising kasi namin nandito na kami sa isang silid at nagamot na ang mga sugat namin.

'Utos po ng Reyna na wag kayong papalabasin sa inyo silid' sagot nung kawal. Nagtataka kasi kami kung bakit ayaw nila kaming palabasin para bisitahin si Raven. At ang lubos pang nakapagtataka ay nasa sampu o higit pa ata ang mga kawal ang nagbabantay samin.

'Bakit hindi kami pedeng lumabas ha! Ano ikukulong nyo kami dito. Tumabi kayo sa dadaanan ko gusto kong makita si Flat' pagpipilit muli ni Zack. Gusto ko syang pigilan dahil nakakarindi na sya sa tenga kaso hinayaan ko na lang dahil wala naman makakapigil sa kanya.

At sa tingin nya ba papalabasin kami ng mga kawal na yan kahit ipilit namin? Sa kalagayan namin ngyon ay wala kaming sapat na lakas para puwersahin sila.

'Huminahon po kayo. Makakauwi kayo sa I Yong kaharian dahil papadating na ang mga susundo sa inyo' Ani ni kawal. Narinig kong nagmura si Zack at bumalik sa kanyang higaan. Mukhang na pagod na ang loko.

'Hoy pabidang Silver di ka ba naaalala Kay Flat? Di ka ba Nagtataka kung bakit ayaw nila tayong palabasin?' Ani nito kaya napatingin ako sa kanya.

'Pati ikaw weirdong nakamaskara mukhang nahawa ka na Kay Byford. Galata naman may gusto ka Kay Flat. Bakit hindi ka kumikilos' dagdag pa nito dahil an para bahagyang mamula si Ashton.

'Sa estado natin wala pa tayong lubos na kakayahan para lumaban. Kung nananahimik ka muna dyan at nagpapalakas  baka mapadali ang pag galing ng mga sugat natin' sagot ko.

Wala akong ideya sa plano ng Reyna ng mga mangkukulam. Ilang beses ko palang syang nakikita ngunit alam kong matalino ito at may malakas na kapangyarihan. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit dinala nya pa kami dito imbis na tumawag na lang ng mga taga arzena para sunduin kami at dun na lang kami magpagaling.

'K-kung Tama ang hinala ko gusto nya Reyna na mahiwala tayo Kay R-Raven.' biglang imik ni Ashton. Mukhang parehas kami ng iniisip ni Ashton. Dahil ayon kay Prime minister tuso ang reyna ng mga magkukulam lahat ng ginagawa nito ay may mapapala sya o makikinabang ang kaharian nya.

' Bakit naman? Anong kaelangan nya Kay Flat? May gagawin ba syang masama dito?' sunod sunod na tanong ni Zack kaya nagkatinginan kaming dalawa.

'Wala akong ideya. Ang tanging sigurado lang natin ay hinihiwalay tayo ng reyna Kay Raven sa hindi natin alam na dahilan' wika ko at nakita ko naman na sumasangayon dito si Ashton.

'Kung ganon kaelangan natin puntahan na si Flat bago pa sya kunin ng mangkukulam na yun' bulalas ni Zack na hindi naman nagiisip. Kung di lang ako naghihina kanina ko pa nabatukan ang isang ito.

Masyado akong napuruhan sa Laban namin ng ladros na yun na may kakaibang kapangyarihan. Aamin ko na kung di dumating ang reyna ng mga mangkukulam ay malaking ang tyansa na mapatay ako ng lalaki ng yun.

'Bakit kaya mo na bang lumaban ngyon Zack? Nihindi mo nga kaya palabasin ang kapangyarihan mo' Ani ko. At na tigilan sya dahil dun.

'Magpalakas ka muna at Magpahinga tyaka na lang natin pagplanuhan ang pagligtas natin Kay Raven. Hindi lang ikaw ang naaalala sa kanya.' dagdag ko pa at mukha naman naintindihan nya naman ang Punto ko. At nakita kong humiga na ito sa kanyang higaan.

XXX

Raven's Pov


' Miss Grizelda Nasan po ang mga Kasama ko? Gusto ko po silang makita Sana 'wika ko kay miss Grizelda na nagpakilala na kanan ng Reyna. May dala itong mga pakain at pamalit kong damit.

' Nasa kabilang kwarto lang sila Miss Raven. At hindi pa sila lubos na gumagaling kaya hindi pa kayo maaring bisitahin sila 'sagot nito. Gusto kong pilitin ito dahil nagaalala ako sa kalagayan nila at gusto ko silang makita para masiguro kong ligtas sila.

Pero Nahihiya ako dahil niligtas nila kami at sobrang bait nila sakin dito. Sobrang Sama ko naman kung ipipilit ko ang gusto ko.

'Kumain ka muna at pagkatapos ay paliliguan ka ng mga dama at aayusan. Pinapatawag ka kasi ng Mahal na Reyna' Ani nito sabay lapag ng isang tray ng pakain sa harapan ko. Sobrang dami nito at halatang pangmayaman lamang kaya nagaalangan akong kumain.

'Wag po kayong mahiya Miss Raven hinanda nya ng Reyna Para sa inyo' sabi nito kaya nginitian ko sya at nagsimula ng tumikim ng mga putaheng nakahanda sa harapan ko.

Pinapakain din kaya nila Sina Silver, Zack at Ashton? Maayos na kaya ang mga sugat nila? Gusto ko talaga makita sila pero nirerespeto ko na ginagamot pa sila at magiging istorbo lang ako roon kung sakali. Mababait naman ang mga tao dito sa kaharian kaya mukhang maaalagaan sila nito ng mabuti.

'Matanong ko lang Raven kilala mo ba ang mga magulang mo?' bigla akong napatingin kay miss Grizelda kaya napatigil ako sa aking pagkain.

'Ah opo kaso di ko na maalala mga itsura nila dahil bata palang ako ng mamatay sila. Kilala nyo po ba sila?' sagot ko at nakita ko naman umiling iling ito at nginitian ako ng bahagya.

'Sigurado naman akong mababait sila. At matutuwa sila sa mga narating mo' sabi nito kaya ngumiti na lang ako pabalik. Sa aaminin ko kasi wala na kong matandaang alaala ko kasama ang mga magulang ko.

Kahit itsura nila ay hindi ko maalala. Basta ang kwento sakin nina lola parca ay alagang alaga daw ako ng mga magula ko at palagi akong pinoprotektahan. Ang sabi pa ni lola ay mukha mahal na mahal nila ako.

'Aalis muna ako. Bahala na ang mga iba pang dama sa iyo. Dadalhin ka na lang nila sa silid ng reyna.' pagpapaalam nito.

'Maraming salamat po.' sagot ko at tuluyan na ito umalis kasama ang tatlong dama. May naiwan naman sakin anim. Ang paliwanag sakin ni Miss Grizelda ay naririto sila para ayusan ako ngunit hindi ko naitanong kung para saan.

Kung kakausapin lang naman ako bakit kaelangan pa kong damitan ng mga dama. Pinakiramdaman ko naman ang katawan ko at feeling ko kaya kong gumayak ng sarili ko.

XXX

Short UD Sorry. Bawi next time

Legal wife ni kim taehyung V

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon