Magic 17

7.3K 164 4
                                    




XXX

chapter 17: N-Z-S



Raven's Pov

Narito kami ngyon ni Kaera sa Cafeteria . Anong ginagawa namin dito ?

Simple lang inaabangan ni este namin ang pagdating ni Prince Night para magkaroon ng pagkakataon itong kaibigan kong hingiin ang Tiara nito.

'Mukhang di naman ata kumakain ang isang yun e' ani ko habang  nakaabang ang aking mata sa bukanad ng Canteen .

Hindi ko kasi nakitang naliligaw ang isang prince Night sa gantong lugar . Kahit kelan di ko sya na kita tumapak sa canteen kaya mukhang di na kain ang isang yun.

'Tiwala lang Raven sigurado akong pupunta sya dito ' sagot nito at ibinalik ang tingin sa bukanad ng pinto ng Canteen.

Napabuntong hininga na lang ako at tumigin sa tatlong lalaking paparating .


Pamilyar sakin ang dalawang lalaking roon . At hinding hindi ko malilimutan ang tindig ng lalaking nasa gitna nila na parang hari kung maglakad .

Narinig kong pumalatak si Kaera sa gilid ko matapos nyang makita sina Stone, Zack at isang lalaking hindi ko kilala .

Umupo sila sa pinaka gitnang lamesa dito sa canteen at halos lahat ng tao rito ay nasa kanila ang atensyon . May mga babae ring lumapit sa kanila . At sa hula ko hinihingi nila ang Tiara ng tatlo .


Nagulat ako ng bigla nagtagpo ang mga mata namin ni Zack . Hindi ko agad nagawang umiwas ng tingin dahil nagulat ako ng nag-smirk sya sakin .

'Papansin talaga ang grupong yan . Kala mo kung sinong tinubuan lang ng ilong mata at bibig . Kala sa sarili hari ng buong mundo ' hasik ni Kaera at kinuha ang iniimon nyang kape .

Sangayon ako sa mga sinabi ni Kaera . Talagang agaw pansin talaga ang grupo nina Zack . At mukhang gustong gusto nila ang tinatamasang kasikatan .


Magsasalita na sana muli si Kaera ng na patingin kami sa isang lalaking papasok dito sa Canteen . Ang itim ng aura nito na unting unting nilalamon ang buong lugar .


'Kyaa! Nandyan na si Loves ! R-Raven okay l-lang ba itsura ko?' Nagpapanic na tanong nito habang inaayos ang kanyang buhok at suot na uniporme .

Tumango tango naman ako dito . At tinignan kung san pupunta si Prince Nigth .

Agad itong dumaretso sa Kuhanan ng mga pagkain . Yung maingay na Canteen kanina bigla tumahimik sa pagdating ni Prince Night .


'Ito na ito Raven , ito na ang last chance ko . Wish me luck please !' Ani nito .

'Kaya mo yan Kaera wag ka lang masyadong kabahan . ' sagot ko nakita kong tatayo na sya at pupunta sa kinaroroonan ni Prince Night ng bigla may na basag na baso akong narinig na nakakuha ng atensyon namin- ng lahat .

'L-lagot !' Sambit ni Kaera at napatigil sa plano nyang gawin .

Kasalukuyang nagtititigan si Prince Night at si Zack . At sa tingin ko galing sa dala dalang pagkain ni Prince Night ang na basag na baso .


'Long time no see Wellden. ' bati ni Zack kay Prince Night na parang may halong pagtutuya .

Hindi naman sya sinagot ni Prince Night at wala parin pagbabago sa walang emosyon nitong mukha .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now