Volume 2 CH 1: Downcast

5.8K 110 4
                                    

Hi guyssis. Special mention po sa isang reader na nagbebirthday, nag birthday o magbibirthday palang .(hindi ko knows suri)
Thank you so much my dear. MarianLuardo






***

Raven 's Pov

'Maraming nangyari sa ating kaharian kaya naantala ang ating klase, ngunit ngyon araw ang simula ng pagpapatuloy ng klase natin ' ani ni Sir Serphiran ang teacher namin sa Creation magic .

Ngyon araw ang simula ng normal namin klase . Back to normal na naman . Parang wala lang nangyari .

'Recap tayo, ang huling topic natin ay ang Magic Circle . Masaya ako na may mga ilan sa inyo na nakapagpalabas ng Magic Circle nila ngunit para sa mga hindi bibigyan ko kayo ng huling pagkakataon, kaelangan nyo maipalabas ang Magic Circle nyo .' Dagdag pa ni Sir .

Bigla naman ako napakagat sa aking labi . Isa kasi ako sa mga hindi na kapagpalabas ng Magic Circle .

May parte sakin na masaya na may pagkakataon pa kaming ipalabas ito at humabol sa iba . Ngunit may parte rin sakin na kinakabahan dahil baka hindi ko nanaman mailabas ang Magic Circle ko . Kung meron man.

'Raven narinig mo yun may chance ka pang ipalabas ang Magic Circle mo ?' Ani ni Kiera .

Kaya nginitian ko sya at muling tumuon kay Sir .

'May dalawang linggo kayo para magsanay . Ipapaalala ko lang na ang lahat ng hindi makakapagpalabas ng Magic Circle nila ay mananatiling Primus at hindi pedeng maging Alter 'ani ni Sir .

Lalo naman bumigat ang kaba ko sa aking narinig . Gusto ko maging Alter .

'Kaya kaelagan nyo talagang magsanay ng mabuti . At para naman sa mga nakapagpalabas ng Magic Circle nila congrats dahil magiging Alter na kayo ' dagdag pa ni Sir .

Kaya biglang nagingay ang aking mga kaklase na nakapasa . Pati si Kiera ay halatang masayang masaya.

'Congrats Kiera ' ani ko .

Hinawakan naman nito ang aking dalawang kamay bago magsalita .

'Salamat Raven, pero wag kang magalala tutulungan kitang ipalabas ang Magic Circle mo para sabay tayong magiging Alter !'

'Salamat rin Kiera ' sagot ko at nginitian sya .

'So yun lang class dismiss !' Sabi ni Sir bago nilisan ang aming silid aralan .

Tatayo na sana kami ni Kiera para umalis na ng biglang may bumungo sakin dahilan para mapaupo ako sa sahig .

'Oppss sorry hindi kita na kita ' ani ni Fritzy . Sila pala ng kaibigan nya ang nakabunggo sakin .

'Sorry ka dyan, e halatang sinadya mo e!' Bulalas ni Kiera at pumagitna samin .

'Bakit wag mong sabihin lalaban ka ? Sinuwerte ka lang naman na napalabas mo yang magic circle mo . ' ani ng isa sa mga kaibigan ni Fritzy .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon