Magic 5

9.1K 242 18
                                    







xxx

chapter; 5 Linford Academy



Raven's pov


'Ito lang ang mapapayo ko sayo iha . Sa loob ng paaralan na yan wag na wag kang magtitiwala sa ibang tao kung gusto mong maging malakas ' ani ni Madam Felicia





Ako naman ay nakikinig lang sa mga sinasabi nya tungkol sa Linford Academy . Habang inaayos ang mga damit na binigay nya sakin .


Ang Linford pala ay isang school na may mga kwarto na matutuluyan ng mga estudyante. meaning makakalabas ka lang once matapos ang isang semester .



'At pagkakatandaan mo iha ang Linford Academy ay hindi pang  karaniwan na paaralan . matataas na dugo ang mmakakasalumuha mo sa loob at lahat sila kalaban mo sa kapangyarihan .'


'At basta wag na wag kang magpapaapi   Alam ko naman na matapang ka ngunit mas matatapang pa ang makakasalumuha mo sa loob ng Linford , magiingat ka na lang ' dagdag pa nito

Masaya kong nakilala ko si Madam Felicia dahil kung wala ang tulong nya di ako makakapasok sa Linford . Pinatuloy nya ko without hestitation .

'Aalalanin ko po lahat ng sinabi nyo Madam Felicia . At maraming salamat sa lahat ng tulong ' sambit ko matapos kong maiayos ang mga dalahin ko


Inihatid nya ko hanggang sa tarangkahan ng Linford Academy . Maganda ang tarangkahan ng paaralan na ito . Kulay ginto ito na may na kaukit na LA or Linford Academy at Arzena Kingdom sa itaas .

Hindi mo rin nakikita ang loob nito dahil napapaligiran ito ng mga matataas na pader .


'Salamat po ulit Madam Felicia ' paalam ko

Nginitian nya ko at namilog ang mga mata ko sa mga sinambit nya

'Alam kong hindi ka tunay na apo ni dino at ni Parca dahil kahit kelan di sila nag kaanak , lalo na siguro ang magkaapo '


Nanuyo ang lalamunan ko dahil don . Pano nya nalaman ?

'Ngunit wag kang magalala Raven your secret is safe to me, Kung sino man ang mga totoo mong magulang o ano man ang iyong totoong katauhan ay hindi ko yun sasabihin sa iba, just keep it to yourself dahil pede kang lumagpak dahil dyan ' dugtong nya pa napangiti naman ako sabay tango

'I will madam Felicia , till we see each other again ' sabi ko at nginitian nya rin ako pabalik


Pagkatapos non ay nagsimula na kong maglakad papasok sa Tarangkahan ng Linford may binigay ako papel na katunayan na pasado ako at pedeng pumasok .


Binigay ko ito sa isang bantay roon . Pansin ko ay madaming nakapaligid na kawal sa labas ng Linford . Mukhang pribado at secure ang paaralang ito

Pagkapasok ko sumalubong sakin ang sinag ng araw . Pero hindi sa liwanag nito ako na silaw . Kung di sa ganda ng loob ng Linford Academy


Mukhang itong bayan . May mga nagtitinda rin ngunit mga taga pagsilbi ito ng kaharian . Sa gitna nito ay may rebulto ng dating hari at reyna ng Arzena Kingdom . Tinitigan ko ito . Ang ganda pala ng dating reyna at gwapo rin ang dating hari na may hawig sa Haring Linfort .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon