Volume 2 CH 41: A Lie And Apple

1.2K 39 2
                                    

Raven's Pov

Di ko lubos akalain na manunumbalik sakin ang mga alaalang binura ni Kyrell bago nya ko iwan sa mga kumopkop sakin.

'Flat okay ka na ba? Di ka pa ata lubusan na magaling' bungad agad sakin ang iritadong pero may halong pagalala.

Matapos pala mawalan ng malay ay agad nya kong dinala sa clinic. Nalaman ito nina Kaera pero di na nakapunta dahil nagsimula na ang mga klase namin.

'Salamat Zack pero okay na ko' sagot ko pero pinigilan ni Zack ang aking pagtayo.

'San ka pupunta?'

'Sa klase natin, marami na kong hahabuling lesson Zack' sagot ko at inalis ang kamay nya sa balikat ko at tuluyan ng tumayo.

'Sasamahan na lang kita' ani nito kaya napatigil ako sa pagaayos ko ng aking damit.

'Kaya ko na Zack bumalik ka na lang sa klase mo' agad na sagot ko ngunit isang malungkot na pistura ang isinagot nya sakin.

Di ko kasi masabi sa kanya na gusto kong mapagisa. Sa dami ng mga alaalang nagbalik sakin ay pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng dibdib ko. Di ko alam kung san ako magsisimula o anong gagawin ko.

'Salamat ulit Zack' paalam ko dito hanggang naglakad na ko paalis sa clinic at iniwan sya roon.

Wala akong balak na bumalik sa klase namin oo alam ko na marami akong hahabulin lesson pero maski makinig ako roon ay walang papasok sa isip ko dahil ngyon palang ay punong puno na ito.

Kaya sa paglalakad ko ay nakarating ako sa garden of Thorn. Gaya ng dati ay napaka tahimik at walang katao-tao sa hardin na yun kaya nakita ko na lang ang sarili kong umupo sa damuhan malapit sa mga rosas.

Dinama ko ang malamig na ihip ng hangin na simbolo ng papadating na taglamig. Gusto kong isipin ang gagawin ko pero sa di ko malaman na dahilan ay walang pumapasok na ideya sakin.

Ngyon na naaalala ko na si Kyrell na si Crow na ngyon ay gusto ko syang makausap. Hindi dahil marami akong tanong sadyang ninaais ko lang syang makausap.

Ewan ko ba kahit nung mga bata palang kami pagmabigat ang nararamdam ko ay mawawala ito ng palang bula pagnakausap ko na si Kryell.  Siguro dahil tiwala ako na pag sya ang tinanong ko kung anong gagawin ko ay may isasagot sya. At dahil tiwala ako sa kanya ay para sakin ay iyun ang tamang gawin.

Kung tutuusin lahat ng payo sakin ni Kyrell ay walang pagdadalawang isip kong sinusunod. Isa lang ata ang hindi ko matanggap. Yun ay nung sinabi nya na mabuhay ako ng walang alaala ng mga mangyari sakin nakaraan. Tutol ako sa plano yun dahil di ko kaya na mawala ang memorya ko at malayo sa kanya.

Pero di ko maitindihan ang sarili ko dahil kahit ganon ay may parte sa puso ko na gustong sundin ang planong yun dahil alam ko na yun ang tama. Tama dahil yun ang payo ni Kyrell.

Flashback~~

'Kyrell anong gagawin ko mukhang nagtatampo sakin si Ver'

'Ano bang ginawa mo?' tanong nya.

'T-tumakas kasi ako muli sa palasyo na walang paalam sa kanya. P-pero bumalik naman agad ako at pumitas lang naman ako ng bulaklak para sa kanya' paliwanag ko at nakita ko naman na nginitian lang ako ni Kyrell.

'Bakit? Mali ba ko Kyrell?' pero umiling iling sya. Kala ko kasi magagalit din sya.

'Sabi na, Di naman talaga ako ang mali. Nakita ko kasing favorite ni Ver ang baby's breath kaya nung nakasakit sya ibibigay ko sana kaso bigla syang nagalit sakin.' daing ko pa. Pero na natiling walang imik si Kyrell.

'Kyrell nakikinig ka ba? Wala ka bang sasabihin man lang?'

Pero imbis na magsalita ay inabutan nya lang ako ng isang bulaklak. Bulaklak na paborito ni Ver.

'Huh? Anong gagawin ko dito?' nagtataka kong tanong.

'Di galit si Ver sayo sadyang nagalala lang sya. Kaya ibigay mo yan sa kanya ngyon' ani nya nagpatigil sakin. Pinagmasdan ko yun hawak kong bulaklak ng ilang segundo at muling nilingon sya.

'S-salamat' sagot ko at patakbong bumalik sa palasyo.

Napangiti na lang ako ng maalala ko ang tagpong yun. Naalala ko pa nung paguwi ko sa  palasyo nun ay walang anuman na tinaggap ni Silver ang bulaklak at umakto na parang walang nangyari. At dahil dun ay nawala ang tampuhan namin ng di namin na mamalayan at dahil yun kay Kyrell.

Siguro dun nagsimula ang pagtitiwala ko sa mga payo at sinasabi ni Kyrell. At idagdag pa na alam kong di magsisinunggaling sakin si Kyrell. Kaya sa oras na itong gulong gulo ako ay hinahanap hanap ko sya at ang payo nya.

Nasanay na siguro ako na sya ang tagapayo ko. At ngyon na alala ko na ang lahat sobrang gusto ko syang makausap muli.

Sa pananatili ko sa garden of thorn ay di ko namalayan na natapos na ang maghapon at sinakop na ng dilim ang kalangitan. Plano ko na sanang umalis ng biglang sumulpot ang pusa ni Prince Night. Yun kulay itim.

Sumapa ito sa aking hita at kinuskos ang mukha nya sakin.

'Dark' bigla akong napatinggal ng may narinig akong mababang boses. At sumalubong sakin ang mukha ni Prince Night na gulo gulo na naman ang buhok.

Kanina pa ba sya roon? Tanong ko sa sarili ko. Hanggang sa bigla itong tumalon pababa,sa mismong tapat ko dahilan para magface to face kami.

'Dark' tawag nya ulit sa pusa nya ngunit tinignan lang sya nito at humiga sa aking hita.

Tinawag sya ulit ni Prince Night ngunit di ito sumusunod dito at mukha mahimbing na ang pagkakatulog. Napansin ko tuloy na parang bumusangot ang mukha ni Prince Night. At dahil dun ay di ko mapigilan na ngumiti.

'Dark tara na ayaw mo bang kumain? ' ani nya pa pero wala itong talab sa pusa nya.

Nagulat na lang ako na habang pinapanood ko sya ay bigla syang tumingin sakin. Dahil dun ay nagtama ang mga mata namin.

'Ikaw yun babae... si Spade' biglang sambit nya kaya naalala ko na sa second name nya pala ako tinatawag.

Nginitian ko sya pero bigla itong umiwas ng tingin at tumalikod sakin. Nagulat naman ako sa inakto nya

'Wala kang pagkain' rinig ko sabi nya kaya napangiti ako.

Naalala ko tuloy nung dumalaw sila  sa palasyo dati. Nakita nya ko sa hardin at palaruan namin ni Ver. Nakakatawa dahil hinanapan nya ko nun ng pagkain tulad ngyon.

'Bata alam kong may pagkain ka penge ako' matapang na sabi nya. Nagulat naman ako dahil alam ko na isa sya sa mga bisita ni Ama.

'M-maraming pagkain sa kusina' sagot ko. Pero umiling iling sya.

'Ayoko nun gusto ko yun nasa bulsa mo'

Kaya inilabas ko ang mansanas na nasa bulsa ko at pinagpalit palit ang tingin dito at sa batang lalaking bisita. Nagaalangan akong ibigay yun.

'Makikipaglaro ako kapalit' ani nya kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at inabot ang hawak kong mansanas.

'Ako nga pala si Arlea, ikaw anong pangalan mo?'

'Light' sambit nya sabay kagat ng mansanas na bigay ko.

Napatingin ako sa likod ni Prince Night matapos kong maalala ang pangyayaring yun. Sa pagkakaalala ko ay may isa pang batang kamukhang kamukha nya noon nung bumisita sila sa palasyo. Medyo tahimik yun isa at yung isa naman ay palingon lingo at di mapakali.

At ayon sa kwento ni Kaera namatay ang isa nya kakambal na nagngangalang Light.

Pero...

'Light' tawag ko sa kanya at dahil dun ay dahan dahan syang lumingon sakin at halatang gulat na gulat.

'Ikaw si Light' dagdag ko pa at dahil dun ay napatitig kami sa isa't isa.

XXX

Legal wife ni Kim Taehyung

(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now