Magic 18

7.3K 155 1
                                    




XXX


Chapter 18 : Red Tiara




'Mali di mo ba nakita yung mga ginawa ko kanina ?'ani ni Zack na nakakunot ang noo




Kasalukuyan nya kasi akong tinuturuan ng martial art . Dahil sya ang kapareha ko,at wala akong magagawa kung di pagtiisan ang ugali nya .

'Ganto ba ?' Tanong ko . Kasi ba naman pano ko matututunan ang mga sinasabi nyang move kung hindi nya ito tinuturo sakin ng mabuti .

Kasi ba naman ipinakita nya lang sa akin ang isang combo kick and punch then yun na gayahin ko daw . Abno ba sya .

'Tsk! Panoorin mo kasing mabuti ' sagot nito at ginawa nya muli yung move .pero sa oras na yun ay pinanood ko na itong mabuti .

'Do it !' Maotoridad nitong utos . Kala mo kung sino ng magaling . Sya kaya lumagay sa posisyon ko .

Huminga muna ako ng malalim at inalala ang ginawa nyang moves. Sabay ng pagbuga ko ng hangin ay ginaya ko ang ginawa nyang combo kick and punch .

Pagkatapos kong magawa ay tumigin ako rito . Pero muntik na kong mapamura ng makita ko tong hindi na katingin sakin at may pinaglalaruan sa kamay nito .

'Hoy! Ginawa ko na bakit di ka na katingin ?' Sambit ko kasabay naman nito ang pagtingin nya sakin

'Ahh gawin mo na lang ulit!'sagot lang nito at sumilip ang isang nakakaasar na ngiti sa kanyang labi .

Isa na lang makakapatay na talaga ako ng mayabang na unggoy na ito .

'Manood ka hah !' Pagpapaalala ko kaso tinaasan lang nya  akong ng kilay .

Huminga ulit ako ng malalim at isinagaw ang move na ginawa nya kanina . Tumingin ako rito pagkatapos at nakita kong medyo umiiling iling ito


Ano na naman ? Mali ba ang ginawa ko .

'Sobrang daming extra movement . Pero para sa beginner na flat okay na yun ' komento nito .

Edi ikaw na ang magaling . E kung tinuturo nya kasi ng mabuti sakin . At ayaw nya talagang tigilan ang pagtawag ng flat sakin . Problema nya ba ?

'Lagi mo lang tatandaan Flatty na dapat ilalagay mo ang lakas mo sa suntok at sipa mo . At magpasalamat kang ako ang kapartner mo dahil marami kang matututunan sakin ' pagmamayabang nito .

'Yabang' bulong ko sa aking sarili ngunit nagulat ako ng tumingin ito bigla sakin ng masama.

'Anong sabi mo ? Tandaan mo nakasalalay sakin ang grade mo sa klaseng ito ' pagbabanta nito .

Argh! Oo sya ang magbibigay saking ng grado sa klaseng ito . Kaya feeling hari ang loko at ako ay walang magawa . Dahil pede nya kong ibagsak .


'Ang sabi ko ang g-galing galing nyo po !' Madiin kong sagot nakita ko na naman tuloy ang nakakasar nyang ngiti na parang lalo kang inaasar.

'Good girl Flatty , magpakabait ka lang kasi malay mo maawa ako sayo at ipasa na kita sa klaseng ito ' dagdag pa nito at tumawa pa ng nakakaloko .

Kaasar sya . Sana lamunin na sya ng lupa at ilubog sa nagaapoy na lava . Ay! Teka apoy pala ang ability nito . Ipinagdadasal ko na lang na kunin na sya ni Bathala dahil wala na syang silbi rito sa mundong ibabaw .

(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon