Magic 12

7.3K 167 8
                                    





XXX


Chspter 12 ; The guy who won't look at anything



Raven's Pov



'Magpahinga ka na lang muna dyan. 'Sabi sakin nung babaeng gumamot sakin.

Ngumiti ako rito at nagpasalamat . At tuluyan na itong lumisan sa kwartong hinihigaan ko .


Pinakiramdaman ko ang aking katawan . At halos wala na kong maramdaman na sakit o manhid . Ilang minuto lang nya ko ginamot ngunit sa isang iglap lang ay gumaling na ko .



Narinig kong kinausap nung babaeng nangagamot yung lalaking nadala sakin . Hindi ko masyado marinig ang pinaguusapan nila .

At mayamaya rin ay narinig kong may nagbukas ng pinto at lumabas . Siguro ay umalis na yung lalaki .


Napabungtong hininga na lang at tumitig sa kisame. Hindi mawala sa utak ko ang itsura ng lalaki . Hindi sya tumitingin sa kahit kanino ng daretso sa mata nito ayon sa pagoobserba ko .


Sobrang baba ng boses nito . At maotoridad. Singkit ang mga mata nito at may mapupulang labi. Ngyon lang ako nakakita ng ganon kagwapong lalaki .


Dahil sa aming bayan ay hindi binibigyan ng oras ang pagaayos ng sarili . Kaya hindi na aayos o napapaganada ang itsura namin . Dahil inuuna namin ang trabaho para may makain.


Napatingin naman ako sa pinto ng may biglang pumasok roon . Napangiti ako rito nung nakita ko kung sino ito .



'Raven !' Tawag nito sakin at dali daling pumunta sa kamang hinihigaan ko .


'Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo ? Gusto mo gantihan ko yung anim na bruhang yun?' Sunod sunod nitong tanong .


Umiling iling ako dito . "Okay na ko Kaera. Bakit ka pala nandito diba may klase tayo ?'


'Nagaalala kasi ako sayo at di ako mapakali kaya nagpaalam na ko sa teacher natin na bantayan kita!' Sagot nito


Umupo ito sa gilid ng aking kama . At tumingin ng mariin sakin .


'Bakit ?' Tanong ko


'Ka ano-ano mo si Silver ?' Nagulat ako sa tanong nya

Hah ? Sino ba si Silver ? Sya ba yung lalaking bumuhat sakin papunta rito ?


'Silver? ' sabay iling ko



Bumuntong hininga ito at pinagpagan ang suot nyang palda .


'Sino ba sya Kaera ?' Tanong ko . Dahil kanina pa ko kinukulit ng utak kong alamin kung sino yung lalaking yun.


Tumingin ito sa itaas ng kisame bago sagutin ang tanong ko . 'Sya si Silver Byford Preanid . Rank 1 at may hawak ng kapangyarihan ng kidlat . Sya rin ang student president ng Linford "


Kaya pamilyar sakin ang pangalan nya . Ibig sabihin sya ang rank 1 na pinaka magaling at student president pa . Kaya naman pala takot sa kanya ang mga estudyante .



(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon