Fritzy nasa multimedia
XXX
Chapter 14: Archery
Raven's pov
"Archery is a skill of shooting with a bow and arrow " paliwanag ni Mr Camio ang guro namin sa Archery class.
"Ang kakayahan na ito ay kaelangan matutunan ng isang knight kasama ang paghawak ng iba pang klaseng sandata . " ani nito . Tumango tango naman kami rito .
Sa lahat ng sandatang pinagaralan kong gamitin masasabi kong mas gamay ko ang pagpana . Mas gusto ko itong gamitin kesa sa ibang sandata .
'This is the bow and arrow. At alam ko ang iba sa inyo ay alam na itong gamitin " sabay taas nya ng isang bow at arrow .
Pinaliwanag ni Mr Camio ang tamang paggamit sa sandatang ito . At napangiti na lang ako dahil naaalala ko ang aking Lolo Dino .
'So sinong gustong sumubok ' alok ni Mr Camio samin .
'Raven marunong ka bang magArchery ? " tanong ni Kaera .
Tumingin ako sa kanya at ngumiti . 'Medyo ngunit hindi ganon kagalingan ' sagot ko
'Talaga! Buti ka pa Raven ako wala akong kaalam alam sa Archery na yan kahit nung mga bata pa kami " anas nito .
Magsasalita na sana ulit ako ng nakuha ni Fritzy ang atensyon ko dahil sya pala ang nagpresinta sa alok ni Mr Camio .
Itinaas nito ang hawak nyang bow and Arrow . Nakita ko itong na huminga ng malalim bago bitawan ang arrow .
Kasunod non ang palakpakan namin dahil malapit sa gitna ng target ang nasapul nya .
'Very well Ms Rivas ' ani ni Mr Camio at inabot ni Fritzy ang hawak nyang pana rito .
Bumalik si Fritzy na may ngiti sa labi nito at nung nagtagpo ang aming mga mata at binigyan nya ko ng isang mapangasar na ngiti .
'Si Ms Rivas lang ba ang susubok ng Archery ?' Tanong ni Mr Camio ngunit wala atang gustong sumubok dahil sobrang galing ni Fritzy .
"So kung wala tatawag na lang ako !' Sambit ni Mr Camio at nagsimula ng kabahan ang buong klase .
'Hala Raven sana wag naman ako dahil mapapahiya lang ako kung magkataon " dasal ni Kaera .
Tumingin si Mr Camio sa buong klase at parang may hinahanap ang mga mata nito hanggang nagsalubong ang mga mata namin at isang ngiti ang ibinigay nya sakin
'Ms Martell this is your lucky day " sambit nito at napansin kong nakatuon ang atensyon ng mga kaklase ko sa akin .
Inaasahan ko ako ang tatawagin nya dahil nginitian nya ko . Ngunit si Kaera ay halatang nagulat .
'Hala good luck Raven !' Pagpapalakas nito sa loob ko .
Pumunta ako sa harapan at kinuha ang inaabot na Bow and Arrow ni Mr Camio .
Pinusisyon ko ang aking sarili at marahang itinaas ang hawak kong sandata . Hinawakan ko ng mabuti ito at itinuon ang atensyon ko sa aking target .
Huminga ako ng malalim at kasabay ng pagbuga ko ng hangin palabas sa bibig ko ay ang pagbitaw ko sa hawak kong arrow .
Hindi ko sigurado kung magiging maayos ito dahil hindi naman ako ganon kagalingan . Kaya ipinikit ko ang aking mata hanggang nakatinig ako ng pagtusok ng pana kung saan at kasunod ang mahinang palakpak ni Mr Camio .

YOU ARE READING
(Enigma Trilogy) Linford Academy
FantasyEnigma Trilogy 1 - Linford Academy Raven Spade Martel live in a small village called Belmoor. After she witness her parents death..She promise herself that she will take a revenge to the person who kill her parents . But she believe the person that...