Mr. Geeky

16.2K 447 120
                                    

Chace's POV

"Hala, naglalaro na naman siya" narinig kong bulong nung isa ko na kaklase. "Narinig ko na kausap niya na naman ang sarili niya eh. Weirdo talaga" napabuntong-hininga na lang ako.

Everyday I experience this, to be directly or indirectly bullied. Ewan ko ba kung bakit ganito ang tingin nila sa akin. Geek ang tawag nila sa akin, kung hindi ganun pwedeng loner, loser or weirdo.

Akala ko masaya sa school na ito, sabi pa nga ni dad prestigious daw but what did I get? The worst treatment that a transfer student could ever have. Kasalanan ko ba na sadyang mahiyain lang ako? Kasalanan ko ba na mas mahinhin pa ako sa mga babae? Sadyang mahiyain lang naman talaga eh.

Di ko rin naman sila masisisi eh, kasi may pagkukulang nga naman ako. Mas gusto ko pa kasing kausapin ang sarili ko kaysa sa mga kaklase ko. Labeled na ako right after kong magpakilala sa class. Weird. Shady. Geek. Nerd.

Isa lang yung di ko tanggap eh, hindi talaga ako mabu-bully kung hindi sinimulan ng isang tao. Ang masama, yung taong iyon ay isang babae pa man din. Yung di mo akalain na makakapagsabi ng masama? Looks can be deceiving. She's the living proof.

Key Hope Guzman.

Siya lang naman ang may pinaka-unique na pangalan. Mukha ngang harmless pero napaka-bully. Alalang-alala ko pa yung araw na iyon.

"Uhm... hello, ako nga pala si Chace Parker. I just returned from the States. I don't really talk much. Yeah, that's it"

"Key tingnan mo, isa pa na may weird na pangalan! Hinabol na pumaparada! Hahahaha!" tumawa yung isa sa kanila.

Bigla naman na tumayo yung Key yata. Basta isang babae na hindi katangkaran tapos mukhang cute na cute. "Welcome sa weird names club... but tingnan niyo, di naman ako weird looking tulad niya" nag-point siya sa sarili niya. "I don't wear nerdy glasses and I don't hindi naman ako mukhang bunot" nangangamoy masama ang ugali... maamo pa naman ang mukha! Pagkatapos noon ay pinagtawanan na nga ako nung ibang kaklase.

Since then sunud-sunod na nga ang panunukso sa akin. Isang beses binalak kong ipagtanggol ang sarili pero binara ako ni Key. Isa pa, nahihiya talaga akong magsalita eh tapos kaibigan pa niya si Audrey.

Audrey Carlos... siya ang pinakamagandang babae sa buong Ashton Academy. Kung sa tingin niyo walang paki ang mga katulad ko sa love life diyan kayo nagkakamali. Unang linggo ko pa lang eh alam ko nang gusto ko si Audrey. Miss perfect yan, maganda, mabait at approachable... approachable to everyone besides one person... capital M-E... ME.

Yung first two words niya sa akin ay siya rin na last. Naaalala ko pa rin yung sakit na naramdaman ko nun.

"Audrey, ang ganda mo... alam mo sana-"

"Go away!" sabi niya sabay takbo.

"Oh gods... kawawa naman si geeky" that girl again... Key.

Okay na eh, tanggap ko na kung nagfreak-out si Audrey. After all, napakadalang kong magsalita pero talagang nag add insult to injury pa si Key. Next thing I know, binalita na niya sa buong klase yung ginawa ko. Gusto ko na lang na lumubog sa lupa.

Inano ko ba siya?

Frustrating lang pero di ko pwedeng ipahalata unless na gusto ko pang dagdagan ang dahilan ng pambu-bully nila sa akin. Ang tangkad kong tao pero ano? Pikon naman, edi wag ka na lang mag-react.

"Hey geeky" eto na naman siya. Wala ba siyang mapagtrip-an? Di ko na lang pinansin, like always.

"Patingin nga niyan" inagaw niya 'yung cellphone ko.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon