Cinderella and the Evil Stepsisters

4.9K 245 57
                                    

Audrey's POV

Ridiculous. Absolutely ridiculous! Paano eto nangyari?! Key's group got to be a runner up pero ang Prism wala? To make it all worse, talagang pinahiya pa nila kami! Sige lang, tumawa pa kayo! Kalokohan lang ang talent contest na eto eh!

I'm so freakin' pissed. Di ko kayang tumayo lang dito at panuorin na magsaya yung tatlong eto sa harapan ko! Nakakainis, nakakapikon! Di pa natatapos yung ceremony ay umalis na ako, sumunod naman sila Marley sa akin. I need to cool down.

I bought coffee from the canteen then I headed to the Drama club room. I took a sip and heaved a sigh, fuck. I need to calm down.

"Girl, kalma ka lang. Alam kong nakakapikon pero wala na rin lang tayong magagawa eh. Hayaan na lang natin, I bet that was the first and last time na natalo tayo" sabi naman ni Yancy habang naupo siya sa tabi ko.

"How can I calm down? Lalo lang nagkaroon ng reason si Key para magyabang sa akin? First she got Hero, then Chace then now natalo pa nila tayo" I hissed as I took another sip.

"It was just a lucky win, Key knows her place. She wouldn't do it" sabi naman ni Marley. Hell yeah, hindi nga yun gagawin ni Key. She's too busy pretending to be an angel in front of the guys.

I was about to take another sip pero ubos ko na pala kaagad yung coffee. I threw it in the trash then nagpunta ako sa walk-in closet para magbihis.

I'm still on rage, asar na asar na ako kay Key. I hate the fact na talagang siya yung kinakampihan ni Hero. Yes, I'm still in love with Hero. Never ko naman na nagustuhan si Chace eh, ginamit ko lang talaga siya just to make Key miserable. Then again I was wrong, di ko aakalain na mas pipiliin ni Chace si Key kaysa sa akin. He chose friendship over love!

Bakas pa rin sa mukha ko yung inis pagkalabas ko sa closet. "Audrey I know what would calm you down, punta tayo ng CR, I'll retouch your make-up for you" sabi ni Lyah.

Ide-decline ko sana kaso naisip ko medyo rude kung tatanggi pa ako, kaya pumayag na lang ako. Nagpunta na kami sa CR then we did our usual business. Isa sa ways ng bonding namin ay yung pag-aayos sa isa't-isa. Like a makeover or something, we all know each other's tastes.

Well, all except for Key. Kahit dati pa lang, Hero is right na iba sa amin si Key. Unlike us di mahilig mag-ayos si Key, ayaw niya ng make-up. Light lang lagi yung nilalagay niya or minsan nga wala pa. Kaya nga madali samin ang i-let go ang friendship namin, kasi hindi naman siya nakikipag-bonding gaano in the first place. And you can't blame us on that.

Sumandal lang ako sa may sink at saka ako pumikit habang inaayusan ako ni Lyah. Inaayos naman nila Marley at Yancy yung buhok ko. I didn't complain anymore, alam ko naman na sinusubukan lang nila akong pakalmahin.

Habang nakapikit lang ako, doon ko naisip yung times na kasama pa namin si Key. These memories would probably haunt me forever.

"Hello, I'm Audrey nga pala. You're Key right?" tanong ko sa kanya.

"Ahh... ako po ba? Di ba kayo nahihiyang kausapin ako?" nahihiyang tanong ni Key.

Basang-basa pa rin siya at halata pa rin na nagpipigil siyang umiyak. Nakita lang naman ng lahat ng estudyante sa canteen ang ginawang pamamahiya ng mommy ni Key sa kanya.

Binuhusan niya ng mainit na kape ang sarili niyang anak. And the reason? Kasi nalaman ng mommy niya na nagsinungaling si Key na marami siyang kaibigan and such. Kaya eto kami, nilapitan namin siya kasi baka makatulong kami.

"Bakit naman? We're willing to be your friends naman eh. Wag ka ng mahiya" I smiled genuinely at her.

"Tara, sama ka sa amin. Punta tayo sa drama club room, magpalit ka ng damit tapos we can talk there" sabi naman ni Yancy.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon