Selos Ka?

4.3K 190 80
                                    

Chace's POV

It has been a whole month since Hero and Key started dating and to be honest, I feel horrible. Wala eh, ano man ang gawin ko di pa rin ako makamove-on. Para bang ayaw magsink in sa utak ko na sila na. Kahit na ba alam kong isang tanong lang ni Hero kay Key ay sila na, eh parang di ko pa rin matanggap. Tapos idagdag pa yung sakit ni Key, lalo lang nakakabigat sa pakiramdam.

Si Key naman kasi, masyadong matigas ang ulo. Alam naman niyang may sakit na siya pero pinipilit pa rin niyang maging active sa school, kahit na sinasabihan na namin siyang huwag ng mag-PE, pipilitin pa rin niya. Tapos ayaw rin niyang pumayag muna na magpa-surgery dahil kailangan matapos na raw muna niya 'yung school year.

Mahahalata mo kay Key 'yung sakit niya, nangayayat na kasi siya tapos medyo tumatamlay na rin tapos mas madali na siyang mapagod pero ayaw na ayaw niya ng nabibigyan siya ng special treatment. Ewan ko ba kung maganda 'yun or hindi, oo gusto niya pantay lang pero di naman nakakabuti sa kanya.

Lalo rin kaming naging malapit sa isa't-isa nitong mga nakaraang linggo. Lahat kasi kami tutok na tutok kay Key, di ko nga aakalain na maging sila Marley ay magiging kaibigan ko na rin. Paminsan-minsan rin nakakausap namin si Elise, nakikipag-video call siya kila Hero at Key.

Masaya lang kami bilang magkakaibigan, okay lang rin kami ni Key. Parang nabalik lang yung dati, ang kaso may mga times na masyado kaming nage-enjoy na magkasama tapos mare-realize na lang namin bigla na di pwede. Wala namang sinasabi si Hero sa amin eh, kaso para bang naiisip ko rin na huwag akong masyado lumapit kay Key kasi nga girlfriend na siya ni Hero.

Hero's been nothing but a good friend to me, at nakikita ko rin na mabuti siyang boyfriend para kay Key, kaya naman ayokong masira yung tiwala niyang iyon. Handa akong maging loyal friend para sa kanya.

"Pre, siguro mas magiging okay kapag makipagkilala ka muna sa ibang babae" kasama ko ngayon si Chen at Deo. Nasa loob lang kami ng classroom at hinihintay lang namin 'yung subject teacher namin, lumipat lang ng upuan etong dalawa para kulitin na naman ako.

"Loko, di ko kailangan yun" sabi ko sa kanya.

"Wag mo ngang itulad sayo si Chace" binatukan naman ni Deo etong si Chen.

"Bakit naman? Ano ba ang masama kapag nakipagkilala siya sa ilang mga babae? Kaysa naman palagi siyang nagmumukmok kapag nakikita niyang magkasama si Key at Hero" sabi naman ni Chen.

"Ulol, anong nagmumukmok? Eh kaibigan ko nga sila parehas eh" sabi ko naman sa kanya.

"Ah, di ka nagmumukmok? Kaya pala nakikita kita minsan na mag-isa sa rooftop na tumutugtog ng gitara habang mangiyak-ngiyak ka ng kumakanta ng Pangarap Lang Kita" sabi ni Chen saka siya tumawa ng mahina.

"Pati na lang ba yun nakita mo pa?!" hinampas ko sa mukha niya yung notebook ko. Bwisit, pati na lang yun napansin pa niya? Syempre naman kailangan ko rin na ilabas yung mga nararamdaman ko kahit papaano, di naman pwede na palagi na lang akong nagkukunwari na masaya. Mamaya ako pa ang magkasakit nito eh.

"Eh di makipagkilala ka na pala" sabi naman ni Deo. Ha? Eh kanina lang tutol siya ah! "Sasama ako sa inyo ni Chen at wala akong tiwala kapag kayo lang ang magkasama" sabi naman niya.

"Ayos, ako na bahala na magyaya ng mga girls. Mamayang uwian ah, walang atrasan" sabi ni Chen.

"Ang kulit, di ko nga kailangan yan" kinuha naman ni Deo yung notebook na hawak ko at siya naman ang humampas sa akin.

"Mas ayos na eto kaysa naman magka-depression ka pa. Parang isang oras lang na may mga makikilala ka, wag ka ngang parang bading dyan" sabi niya sa akin.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon