Misunderstandings

7.5K 341 102
                                    

Key's POV

Finally it's Monday, school days... meaning, another excuse for me to not spend time at home. Call me abnormal for preferring school but seriously I don't want to stay at this place.

"Key! Yung notebooks mo nakakalat na naman dito!" tch. That's my mom, nagpunta ako sa lugar nila at nilagay ko sa bag ko yung notebooks ko.

"Bakit ba nakakalat iyan?" tanong niya.

"Inaaral ko" sagot ko. "Alis na ako" sinuot ko kaagad yung backpack ko at lumabas na ako sa pinto.

"Siguraduhin mo nga lang na nag-aaral ka talaga. Di ka man lang naglagay ng make-up napakaplain ng itsura mo" sumbat pa niya.

"School pupuntahan ko hindi party. Bye" binilisan ko na lang yung paglabas kasi alam ko na yung susunod. Sisigaw siya kapag nanatili pa ako dun.

Besides, I have a bigger reason to go to school, ngayon matetest kung tama nga ang hypothesis ko na magiging instant celeb si Chace or kung mawawala na nga ang pambu-bully sa kanya. Inaalala ko lang eh kung may sasabihin si Hero since nakita niya kaming magkasama sa mall, but I trust my Herobabes so okay lang ito.

Speak of the devil no angel pala, papasok pa lang ako ng school gates ay napansin ko kaagad si Hero.

"Hi Hero!" ako naman ang naunang bumati, lagi naman kasing siya unang tumatawag eh. Pagkatingin niya sa akin ay ngumiti naman siya ng kaunti. Yaha! Nginitian niya ako, that's something na hindi nagagawa ni Audrey!

"Okay lang ba na sabay tayong pumasok or paunahin na kita?" tanong ko sa kanya, after all rumours spread like a disease here in Ashton baka kung ano pa ang kumalat.

"Bakit naman ayaw mo pang sumabay? Bawal ba?" tanong niya na parang nagtataka. Umiling lang ako. "Ah.. rumors?" nginitian ko siya.

"Don't mind, come on" sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Lumapit na nga ako at sabay na nga kaming pumasok pero bago pa lang ako makalapit.

"Hi Hero!" Audrey again I swear, I really love Audrey but she needs to stop ruining our moments.

"Ah, hey" tinaas lang ni Hero yung kamay niya for acknowledgement.

"Oh, Key you're there rin pala. Buti pala nagkasabay kayo ni Hero" sabi ni Audrey.

"Hehe" awkward laugh na response namin ni Hero. Jinx oh!

Sabay sabay na nga kaming pumasok sa campus and as expected different greetings kaagad. "Wow nagiging close na si Hero sa Prism oh!" narinig namin. Hanga na ako kay Hero kasi despite all the comments, greetings and Audrey's rants he still maintained a straight face. Yung nakakamatay niyang titig. "Caught you" he mouthed.

"Ha?" napaatras ako ng kaunti sa kanya.

Nag-chuckle lang siya saka siya lumapit sa akin. "Caught you staring" bulong niya. What? Namumula na siguro yung mukha ko, nakakahiya nahuli nga niya ako di naman ako makaangal kasi totoo naman nakatitig talaga ako sa kanya!

"Ehem" once again Audrey, thanks for ruining the moment.

"Isn't that your room?" mahinang sabi ni Hero sa akin.

"Ay oo nga no. Bakit ang daming tao?" tanong naman ni Audrey. I resisted the urge to roll my eyes, ako talaga yung kausap ni Hero eh.

Pero teka... nagkakagulo sa room namin pero nandito kami sa labas, I think I know the reason. "Oh my ang gwapo pala niya!" narinig kong sabi ng mga babae.

"Gwapo? Eh nandito si Hero ah... perhaps a transfer student?" tanong naman ni Audrey. Grabe sly move, dumadamoves ka pa rin Audrey.

Lumapit kami ng konti para makita kung sino yung pinagkakaguluhan at nung nakalapit nga, my suspicions were confirmed. Chace is here. Mukhang namromroblema siya since di siya makapasok sa room at marami ngang nagtatatanong sa kanya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon