Past is Past

4.5K 207 49
                                    

Key's POV

"Grabe girls, namiss ko talaga eto. Sana maging okay na ang lahat simula ngayon" nakangiting sabi ni Lyah habang nilapit niya yung upuan sa may kama ko para doon sila maupo.

Nginitian ko lang sila. Sana nga ganun na, kung dati pa lang nilunon ko na 'yung pride ko eh di sana matagal na kaming nagkaayos. Alam ko naman na di na talaga mababalik 'yung dati namin na samahan eh, pero pwede naman naming subukan eh. With my life on the line, I'm willing to risk everything.

Biglang bumukas 'yung pintuan at nakita namin si ma'am Legaspi na may dala-dalang groceries. Mukhang gulat na gulat siya ng makita niya sila Audrey na kasama ko. "Okay na kayo?" tanong pa niya. Alam naman kasi ng buong school 'yung naging away namin nila Audrey tapos isama na rin 'yung nangyari sa bonfire kanina, sadyang di lang nangialam 'yung teachers.

"Opo ma'am. Tulungan na po namin kayo" sagot ni Audrey saka sila lumapit kay ma'am para kunin 'yung mga pinamili niya. Nakita kong may mga biscuits at juice doon.

"Eto Key para sa mga bisita mo at bumili na rin ako ng pagkain mo. Alam ko naman na nakakalungkot kumain ng hospital food" sabi sa akin ni ma'am at pinasalamatan ko na lang siya para doon.

Inayos nila sa cabinet at ref 'yung mga pinamili ni ma'am. Pagkatapos noon ay bumukas na ulit 'yung pintuan at nakita ko naman sila mommy at daddy. "Anak, gising ka na pala" natutuwang sabi ni mommy saka siya madaling pumasok. Lumapit rin si daddy saka nila ako parehas niyakap.

"Pinag-alala mo kami ng sobra anak. Nagmadali kami dito matapos kaming tawagan ni Hero" Di ko naman mapigilan ang sarili kong ngumiti, kung mag-alala talaga si Hero... grabe lang.

"Nakausap niyo po ba 'yung doktor? Ano po sabi?" nag-aalala kong tinanong. Syempre may takot pa rin akong nararamdaman. Alam ko na lumalala na etong sakit ko.

"Wag kang mag-alala" ngumiti si daddy saka niya hinimas yung buhok ko. "Over fatigue lang daw yan at siguro di mo kaagad inagapan yung chest pains mo" sabi niya sa akin. Tama naman sila, di pa ako nakakatulog ng maayos simula nung naligaw kami ni Chace doon sa may beach. "Bukas uuwi na tayo at dadalhin ka na namin sa doktor mo talaga"

"Pasensya na po kung di ko po alam yung sakit ng anak niyo. Hindi ko po siya naalagaan man lang" sabi naman bigla ni ma'am Legaspi.

"Kami rin po" nagulat naman ako ng pati yung mga members ng Prism ay yumuko rin. "Kami po 'yung dahilan kung bakit masyadong napagod si Key"

Mahina namang tumawa sina mommy at daddy, pati na rin ako. Bakit ba sila nagso-sorry eh wala naman silang kasalanan? Resulta lang naman ang lahat ng eto ng kapabayaan ko eh. "Nako naman, wala kayong kasalanan. Sinadya lang talaga ni Key na ilihim na lang yung sakit niya dahil ayaw niya ng may nag-aalala at tsaka kasi gagaling rin siya kaya di naman yun kailangan sabihin pa" nginitian sila ni daddy.

Napansin ko naman na kahit na ba nakangiti sila ay malungkot pa din yun dating nito, siguro dahil wala din namang kasiguraduhan eh. Wala silang magagawa kundi ang tumingin sa positive side.

"Kumain na ba kayo? Kain na po muna kayo sa labas, okay lang ako dito" sabi ko sa kanila. Alam ko naman na di pa sila nakakakain eh, kahit naman ako pero may dala namang food si ma'am Legaspi para sa akin eh.

"Walang maiiwan sayo Key" sabi naman ni Marley.

"Andyan lang sa labas sila Chace at Hero. Okay lang ako, sige lang" sabi ko sa kanila.

"Papapasukin ko na lang sila pag-alis namin. Tatlo nga yata sila eh. Sige Key, diyan ka lang ha" bilin sa akin ni mommy. Para namang may mapupuntahan akong ibang lugar.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon