NEW LOOK

7.2K 361 95
                                    

Chace's POV

Weekend na meaning ngayon yung araw na sasamahan ako ni Key sa mall. Papaalis na sana ako ng bahay pero nakasalubong ko pa yung ate ko. "Hoy bata, saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa mall, kasama ang kaklase ko" sagot ko naman.

Ngumiti naman siya kaagad. "Improving, ngayon ka lang yata may lakad kasama ang isang kaklase. Girlfriend mo?" tanong niya. Umiling naman ako agad.

"Kasama lang na mag-mall girlfriend kaagad? Eh hindi mo pa nga sigurado kung lalaki o babae eh" ani ko naman.

"Hello, dalawang lalaki na magma-mall? Di naman yata maganda yung tingnan sure ako na girl yun. Sige na alis ka na baka ma-late ka pa" tinapik niya yung balikat ko saka ako tinulak palabas ng pinto.

Enthusiastic lang sila, palibhasa kasi first time ko nga na may lakad ako kasama ang ibang tao maliban sa kanila. Si mama nga kagabi nung nagpaalam ako wala ng tanung-tanong pa, oo na lang kaagad with matching palakpak pa. "Sa wakas" pa nga sabi niya.

Pumunta na nga ako sa mall, sa labas yung meeting place namin kaya inintay ko na lang siya doon. Di ko inaasahan na on time siya na pupunta, ilang minuto lang naman akong maaga eh. "Bakit ka maaga?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Masama ba?" tinaasan niya ako ng kilay. Gusto ko siyang sagutin ng oo, kasi nag-research ako kagabi at sinabi doon na lagi raw na atleast thirty minutes late ang isang babae. Pero umiling na lang ako sa kadahilanang ayokong masaktan ng di oras.

Simple nga lang yung suot ni Key ngayon, red hoodie at black na shorts lang tapos naka-rubber shoes pa. Ibang-iba sa inaasahan ko but then again baka ayaw lang niyang magstand-out siya dito sa mall. Ganun pa man marami pa rin kaming nakakasalubong na lalaki na panay ang tingin sa kanya.

"Ang daming tumitingin sayo" sabi ko sa kanya.

"Di ka na nasanay, ganun talaga. Pero wag ka ah, may nakatingin rin kaya sayo" sabi pa niya.

"Malabo" sabi ko naman.

"Pansinin kasi ang height mo, tapos ang laki pa ng height difference natin kaya natitingnan tayo" parang labag pa sa kalooban niya nung sinabi niya yun. Which is quite funny kasi ang liit nga niya. Hehe.

"Okay, simula na tayo sa change mo" humarap siya sa akin. "Una, wag kang mag-slouch. Kapag nakita kitang naka-slouch aapakan kita" umayos naman ako kaagad, naka-high cut na Chucks siya ngayon mamamatayan ako ng kuko pag inapakan niya ako.

"Yan... edi nadagdagan lalo ang height mo" nag thumbs up pa siya sa akin.

"Sunod, bawasan mo yung weird mannerisms mo. Yung pagkagat sa kuko, paglaro sa daliri at pinaka-weird na yung nakatulala ka tapos nakanganga ka pa" dagdag pa niya.

"Inoobserbahan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Malamang, kung tutulungan kita dapat marami akong alam tungkol sayo. Desperate na ako no, matindi na ang galawang ginagawa ni Audrey para kay Hero" sabi pa niya.

"Gusto na talaga ni Audrey si Hero no?" napahukot ako bigla.

"It's never too late" sabi niya sabay apak sa paa ko.

"ARAY!" napahiyaw ako bigla, napagtinginan tuloy kami ng mga tao dito. Nakakahiya.

"Ang cute nung mag-kuya" natatawang sabi nung isang babae.

Napasimangot kaagad si Key habang natawa ako bigla, parang nawala kaagad yung sakit na naramdaman ko. "Mukha pala tayong mag-kuya" sabi ko.

"Umayos ka Chace, iiwanan kita dito" pagbanta niya. Sinara ko na lang yung bibig ko pero nakangiti pa rin ako.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon